Default Thumbnail

Basag Kotse tumira ng Pajero sa QC

June 27, 2021 Melnie Ragasa-limena 504 views

NABIKTIMA ng mga hindi pa nakilalang mga miyembro ng ‘Basag Kotse’ ang nakaparadang sasakyang Pajero na pag-aari ng isang prosecutor ng Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Solivan Lunes Usman, 47, may asawa, Quezon City Assistant City Prosecutor, tubong Cavite City at residente ng 2 Sta. Ines Street, Barangay Krus na Ligas, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PCpl. Angel T Pascasio, ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas-9:30 ng gabi (June 26) nang maganap ang insidente sa parking lot sa 12 Visayas Avenue, Barangay Vasra, sa lungsod.

Ayon sa prosecutor, ipinarada niya ang kaniyang itim na Mitsubishi Pajero na may plakang TII-199 at pumasok siya sa NOMIXX Restobar sa nasabing lugar.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay agad na nagbalik ang prosecutor sa kaniyang sasakyan subalit laking gulat niya ng makitang basag na ang driver side rear window ng kaniyang Pajero.

Nalimas sa loob ng sasakyan ng prosecutor ang black bag na naglalaman ng (1) Taurus 9mm na may serial no. TUL 20816 at nagkakalahaga ng P30,000, grey bag na may MSI Laptop na nagkakahalaga ng P25,000, cash na may iba’t ibang denomination na umaabot sa halagang P30,000, wallet na my mga ID’s at ATM cards at black bag cna kinalagyan ng mga office records.

Masusing nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga miyembro ng ‘Basag Kotse’ na posibleng nagsasagawa ng kanilang iligal na aktibidades sa paligid lamang ng nasabing lugar.