Default Thumbnail

Bangkay ng lalaki lumutang sa dagat

August 5, 2023 Jonjon Reyes 213 views

ISANG bahagi ng katawan ng lalaki na palutang-lutang sa karagatan ang namataan sa Apron 680 MSW Berth 5, Pier 16 sakop ng Barangay 118, Tondo sa Maynila nitong umaga ng Sabado.

Ayon sa saksi, pasado alas-9:50 ng umaga nang mapansin ng seaman na si Herber Uy ang isang bahagi ng parteng ibaba ng katawan ng tao na palutang-lutang sa dagat. Agad naman itong ipinagbigay-alam sa naka-duty na security guard ng Manila Port.

Agad tinungo ng guwardiya ang nakitang bangkay upang kumpirmahin ito bago itinawag sa himpilan ng pulisya.

Ayon kay PCpl. Wilson Cruz ng Manila Police District-Police Station 1, hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima. Ang bangkay ay may suot na itim na brief.

Agad namang dinala sa funeral parlor ang biktima para imbestigahan ang pagkakakilanlan ng bangkay.

AUTHOR PROFILE