MCAT Personal na itinurnover ng grupong ‘Manila Action Team’ (MCAT) na pinamumunuan nina Edwin Fan at Dr. Hilda Ong, ang ‘symbolic key’ para sa Riverside PCP (Police Community Precinct) na sinaksihan naman ng ilang opisyal ng MPD (Manila Police District) at barangay ng Baseco Comp. Port Area. Kuha ni Jon-jon Reyes

Bagong Baseco PCP, sinubok ang tatag ng bagyong ‘Karding’

September 26, 2022 People's Tonight 392 views

KAMAKAILAN ay pinangunahan ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre P. Dizon kasama ang iba pang mga opisyal sa ginanap na inagurasyon ng bagong Police Community Precinct (PCP) sa Baseco Compound, Port Area sa Maynila.

Bago ang inagurasyon, nagkaroon muna ng isang seremonya ng “turnover of symbolic key” ng PCP at kasabay nito ay binasbasan ni Fr. Asis Bahaw ng Sto. Niño Church ng Baseco ang itinayong Riverside PCP na sakop ng MPD Station 13 sa Barangay 649 sa Baseco, pasado alas 9:00 ng umaga.

Ang nasabing inagurasyon ay dinaluhan din nina P/Col. Raul M. Tacaca, Deputy Director for Administration ng MPD, Chief District Directorial Staff P/Col. Arnold Thomas Ibay, at si P/Col. Igmedio Bernaldez ng Logistic D4.

Pormal namang tinanggap ng mga kapulisan ng Baseco sa pamumuno ni P/Lt. Col. Rodel Borbe, station commander ng MPD Stn. 13 at P/Maj. Armando Linget na siyang magiging PCP commander nito. Naging saksi naman ang mga ibang opisyal at miyembro ng Manila Action Team (MCAT), maging si Bgy. 649 Chairwoman Diana Espinosa.

Matapos ang pagbabasbas ng bagong PCP, lumagda sa isang Memorandum of Agreement sa pagitan ni Espinosa at Borbe.

Araw naman ng Linggo Set. 25, 2022, ng magsimulang magpaalala ang mga kapulisan ng PCP sa mga residente ng Baseco Comp. na maging alerto sa paparating na bagyong “Karding” at kung kinakailangan ilikas ang mga residente ay nakaantabay sila 24/7 ayon na rin sa direktiba ni MPD Director Dizon.

AUTHOR PROFILE