Default Thumbnail

Azurin, nanawagan kay Bantag, Zulueta na sumuko

April 17, 2023 Zaida I. Delos Reyes 155 views

NANAWAGAN si Philippine National Police (PNP) chief Police General Rodolfo Azurin Jr. kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Banag at dating Deputy Officer Ricardo Zulueta na sumuko sa mga alagad ng batas matapos ilabas ang warrant of arrest laban sa kanila.

Ang panawagan ay ginawa ni Azurin dahil maituturing na umanong “fugitives” o “pugante” ang dalawa dahil mayroon ng existing warrant of arrest laban sa kanila.

Paliwanag ni Azurin, ang sinumang hindi sumusuko matapos labasan ng warrant of arrest ay maikokonsiderang “pugante.”

“We encourage Gerald kung gusto niya mag-surrender siya sa ano… actually noon pa lang inoffer ko na sa kanya ‘yun eh noong naalis siya sa Bureau of Corrections ‘di ba sabi ko sa kanya if he wanted to have his own security, of his own choice, the PNP is willing to provide,” pahayag ni Azurin.

“Ngayon may warrant of arrest na siya (Now that he already has a warrant of arrest), siyempre to make it easier for everyone, why don’t he just surrender and face ‘yung kanyang kaso… that way he can also have his day in court,” dagdag pa ng opisyal.

Sa ngayon, wala pa aniyang ibinibigay na “surrender feelers” sina Bantag at Zulueta.

Matatandaang inilabas ng Regional Trial Courts ng Las Piñas at Muntinlupa ang warrants laban kina Bantag at Zulueta kaugnay ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at ang umano’y middleman sa pagpatay na si Jun Villamor.