
Azi Acosta pantasyang lapain ng foreigners
IBA’T IBANG lahi ang pumulutan sa mga bagong larawan ng Vivamax actress na si Azi Acosta.
Sa Instagram page ng sexy star nitong Sabado, January 20, ibinahagi niya ang ilang larawan kung saan babalandra ang nag-uumapaw niyang alindog.
Masusulyapan sa nasabing post ang nakapanggigigil na kaseksihan ng isang Eba na tila nag-iimbita sa makakamandag na mga anak ni Adan na naglalaway at nais tuklawin ang kanyang ganda.
“If you’d ask me, it’s happiness,” sey ni Azi sa caption ng kanyang post.
Todo flex ang hot actress sa kanyang perfect body na alam niyang pagpapantasyahan na naman ng mga barako.
Suot-suot ni Azi ang isang two-piece white bikini habang todo-awra sa pag-pose. May pataas pa nga ng kanyang kilikili ang Vivamax actress.
Hindi lang mga Pinoy na kelot ang matatagpuan sa comment section ni Azi, pati na ang mga foreigners ay pinagkaguluhan ang kanyang mga larawan. Makikita ang ilang Indonesian, Thai, at iba pang lahi na pinagpipiyestahan ang sex appeal ng sexy star.
Samantala narito naman ang ilang komento sa kanya:
“Grabe ka babe!”
“So sexy po ate azi😍🔥”
“Azi acosta really so much talent on vivamax! You are so much beautiful.”
“It’s still morning but so HOT with your body shape.”
Nakilala si Azi sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Erotica Manila (2023), Sitio Diablo (2022) at Sugar Baby (2023).