Kathryn

Kathryn: Very happy and single

April 5, 2025 Vinia Vivar 163 views

Kinumpirma ni Kathryn Bernardo na single siya ngayon, taliwas sa tsismis na boyfriend na niya ang young politician na si Mark Alcala ng Lucena City.

Sa red-carpet interview ni Kathryn sa ABS-CBN Ball 2025 ay natanong sa kanya ng Kapamilya anchor na si Gretchen Fullido kung taken ba siya o single.

“I’m very happy and, yes, still single,” nakangiting sagot ni Kathryn.

Samantala, mag-isang rumampa ang aktres sa red carpet ng ABS-CBN Ball na ginanap last Friday night sa Solaire Resort North.

She was wearing a neutral-colored gown designed by Anthony Ramirez.

Paliwanag ni Kath sa kanyang outfit, “Since this is the first time that we’re doing spring as the theme of the ball, ‘di ba, usually, it’s black and white, and now we’re doing it April, medyo maaga than the usual, so we kept in mind three words while conceptualizing this dress. We wanted it to be dainty, we wanted it to be delicate and dreamy.

“So, Anthony Ramirez came up with this look and I’m very happy with what it turned out naman.”

Pati ang hair niya na long, wavy and flowing ay nag-compliment sa kanyang dress.

Samantala, dumalo rin ang ex-boyfriend ni Kath na si Daniel Padilla sa naturang star-studded ball at rumampang mag-isa sa red carpet although magkakasunod lang sila ng co-stars niya sa “Incognito” na sina Ian Veneracion at Richard Gutierrez.

Ang malaking tanong ng fans ay kung nagkita at nagbatian kaya ang ex-lovers sa naturang event.

AUTHOR PROFILE