
Anne, Nadine, Janine standout sa 2025 ABS-CBN Ball
Gabi ni Anne Curtis ang ABS-CBN Ball 2025 na ginanap last Friday night sa Solaire Resort North dahil siya ang hinirang na Best Dressed Lady of the evening.
Talaga namang nagningning si Anne sa kanyang custom Nicole + Felicia Couture gown in a powerful red hue.
“Anne Curtis was an absolute stunner. Her gown was truly the standout look of the evening,” according to Metro Style.
Pumangalawa kay Anne si Nadine Lustre na pak na pak din with her sculptural creation by Rajo Laurel inspired by the ocean.
Ang iba pang nasa top 10 ay sina Janine Gutierrez in Mark Bumgarner gown, Fyang Smith in Russel Cordero, Maris Racal in an avant-garde gradient dress designed by Ehrran Montoya, Kai Montinola in Jot Losa, Iza Calzado, BINI in Michael Cinco, Shaina Magdayao in Neric Beltran and Kim Chiu in Francis Libiran.
Si Piolo Pascual naman ang nanguna sa Best Dressed Men. The actor was wearing a classic tuxedo in the perfect spring shade of green made by designer Paul Cabral.
Also in the list are James Reid in Vin Orias suit, Paulo Avelino in Joey Samson, Robbie Jaworski and Kobie Brown in Francis Libiran, Coco Martin, Donny Pangilinan, Hayden Kho and Kyle Echarri.
Sina Coco Martin at Julia Montes naman ang pinarangalang Best Dressed Pair. Julia Barretto in Helsa Studio and Gerald Anderson also made it to the top 10’s Best Dressed Pairs along with RK Bagatsing and Jane Oineza, James and Issa Pressman, JM and Fyang at sina KD Estrada at Alexa Ilacad.
Samantala, nag-stand out din si Andrea Brillantes sa naturang event with her white suit na may pasilip sa side boobs.
Halata ring pinaghandaan ni Vice Ganda ang ball sa kanyang napaka-coloful outfit.
Pak na pak din si Ivana Alawi in her very daring and bold pink gown.
Aniya sa isang panayam, ang gown niya ay gawa ng isang Greek designer na naka-base sa London at ibiniyahe pa ng Pilipinas para umabot sa event.
COCO AT JULIA BUWENA MANO SA RED CARPET
Ang long-time partners na sina Coco Martin at Julia Montes ang opisyal na nagbukas ng red carpet sa ABS-CBN Ball 2025.
Ayon kay Coco sa panayam ng ABS-CBN, na-miss nilang lahat last year ang ball when it took a break kaya naman they really took time out na makadalo ngayong nagbalik na ang prestigious event.
“Siyempre, everytime na may ganitong gathering ito ‘yung time na maka-bonding mo mga kaibigan mo, mga boss natin, at opportunity para makapagkumustahan at makapag-mingle. Ngayon excited lahat dahil last year wala tayong Ball eh and then ngayon nandito ulit tayo para magsama-sama,” sabi ni Coco.
“Of course super happy at lahat tayo nilu-look forward ang araw na ito. At tama ang tagline ng ABC-CBN ngayon ‘Brighter Together.’ We are brighter together all Kapamilyas, so looking forward,” sey naman nii Julia.
Asked what makes them proudly Kapamilyas, ani Coco, “Siyempre lahat ng mga proyekto natin ay pinaghihirapan at pinag-iisipan at napaparamdam natin na ano man ‘yung nangyari sa atin sa ABS-CBN, sa buong bansa, nandito tayo nagtitipon-tipon, makikita mo ang unity, nagmamahalan, nagsusuportahan, kaya nakaka-proud maging Kapamilya.”
Sabi naman ni Julia, “Siguro tama ang tawag sa atin Kapamilya kasi tayo through thick and thin, kahit anong pagsubok lahat tayo matibay kung sama-sama.”