Default Thumbnail

Asaran ng 2 helper nauwi sa patayan

November 22, 2023 Edd Reyes 132 views

HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 39 anyos na binata,makaraang masaksak sa kanang tagiliran ng kapwa nito helper sa Sto.Cristo Street,Tondo,Manila.

Nakilala ang biktimang si Elorde Alcazaren, tubong Capiz at stay-in helper sa Sto.Cristo Street.

Agad naaresto ng mga tanod na sina Christopher Peralta, executive officer, at Nedi Sablayan ang suspek na si Jason Macahilig, stay-in helper.

Base sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Sto Cristo Street.

Sa isinagawang imbestigasyon ni Det Joseph Kabigting,may hawak ng kaso nagkaroon ng mainitang asaran ang biktima at ng suspek, nagkapikunan at nagsuntukan.

Nakatakbo papalayo si Alcazaren ngunit sinundan ito ng suspek at sinaksak sa tagiliran.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ang biktima, kasabay nang pag aresto sa suspek

Ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE