Default Thumbnail

Arabo natagpuang bangkay sa condo

November 17, 2021 Francis Naguit 227 views

UMALINGASAW ang masangsang na amoy na nanggaling sa silid ng isang Arabian national na nadiskubreng patay sa tinutuluyan nitong condominium sa Jorge Bocobo St. Ermita , Manila, iniulat ng pulisya.

Ayon kay PLt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District-homicide section, ang dayuhan ay nanunuluyan sa Unit 4518ng Birch Tower Bldg sa 2907 J.Bocobo St.Ermita.

Base sa imbestigasyon ni Det. Teody Siguen,ng may hawak ng kaso, bandang 10:37 p.m. nang maamoy ng isang housekeeping personnel ang masangsang na amoy mula sa condo unit ng Arabo at agad niya itong inireport sa security officers.

Kinatok ng mga otoridad ang pintuan ng Arabo ngunit walang sumsasagot kung kayat tumawag sila ng locksmith at inireport ang insidente sa barangay.

Nang mabuksan ay tumambad ang wala ng buhay na biktima. Huli umanong nakitang buhay ang Arabo nitong Nobyembre 9 habang nakikipag-usap sa sales officer ng naturang condo. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE