Default Thumbnail

Crime suspect sa Visayas arestado sa Rizal Park

November 17, 2021 Francis Naguit 259 views

MULA sa Visayas, nagtago umano sa Maynila ang isang 44-anyos na massage therapist at nasundan ito ng mga otoridad sa Rizal Park sa Ermita Manila.

Ang suspek ay may kasong roberry with frustrated homicide sa Northern Samar.

Nakilala ang suspek na si Meldy Galias, ng Barangay Makiwalo, Mondragon Northern Samar.

Si Galias ay nasa most wanted person makaraang iutos ng korte ang pag-aresto dito.

Ayon kay P/ Lt.Col. Evangeline Cayaban , Manila Police District – Station 5 commander, bandang 4:35 p.m. nang maispatan si Galias sa Rizal Park.

Bago naaresto ang ginang, nakipag koordina sa tanggapan ng MPD-Station 5 , sina PLt. Nuncia Formaran at ilang tauhan nito sa direktiba na rin ni P/ Col. Arnel Apud, provincial director ng NSSPO Pro 8 sa San Vicente Municipal Station, hinggil sa manhunt operation sa kinaroroonan ni Galias.

Bitbit ng mga otoridad ang arrest warrant na inisyu ni Judge Alma Consuelo B.D Esidera ng Regional Trial Court Branch 20 sa Catarman, Northern Samar dahil sa kasong robbery with Frustrated Homicide noon pang nakaraang Marso 14, 2008.

Inirekomenda ang P120,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng ginang. Francis Naguit & Jon-Jon Reyes

AUTHOR PROFILE