Quizon

Apo sa tuhod ni Dolphy, inisnab ng GMA Sparkle

January 15, 2024 Ian F. Fariñas 497 views

MAY bagong Quizon na sumasabak sa showbiz. Siya si Ayana Quizon, apo sa tuhod ng yumaong Comedy King na si Dolphy.

Bale ang tatay ng 19-year-old showbiz newbie ay si Martin, apo ng late ace comedian sa anak na si Edgar Quizon.

Ayon kay Ayana, separated ang parents niya mula four years old pa lamang siya. Lola niya sa mother side ang nagpalaki sa kanya’t gumabay sa pangarap na maging singer at artista.

Isa si Ayana sa 31 talents na ipinakilala ng talent management arm na Asterisk Entertainment bilang “most anticipated artists of 2024.”

Sa ilalim ng Asterisk head na si Kristian Cabigting, inamin ni Ayana na nag-audition siya sa GMA Sparkle bilang singer pero wala siyang natanggap na call back.

Nakalabas na rin siya sa ilang bit roles sa mga indie movie.

Nang tanungin kung advantage ba ang pagkakaroon ng apelyidong Quizon sa dami ng kapanabayan niyang neophyte ngayon, ang sey ni Ayana, “I don’t really know po what they think. Pero ako po, I think po pwede nilang isipin na advantage talaga kasi malaki po talagang apelyido po ‘yung Quizon sa showbiz. But I think they shouldn’t think that way kasi nag-i-start pa lang din po ako saka we have our own time and ‘yun po, we have our own strengths and it shouldn’t be a competition po.”

Bukod kay Ayana, kabilang sa artists na ipinakilala ng Asterisk sa showbiz press sina Ayumi Takezawa, Kurt Rivera, Jaja Disuanco, Kyosu Guinto, Dana Davids, Steven Nacpil, Ice Reyes, Keith Moreno, Athalia Barede, Cass Carpina, Trajan Moreno, atbp.

AUTHOR PROFILE