Empoy

ALEMPOY, PURING-PURI NG ‘MAY FOREVER’ CO-STARS

January 15, 2024 Ian F. Fariñas 211 views

PURING-PURI nina Michelle Vito, Zach Francisco at Drei Arias ang May Forever co-stars nilang sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa husay, pagiging mabait at magaan katrabaho sa bagong programang ito ng Net 25.

Sa virtual mediacon ng May Forever, na magsisimula nang mapanood sa January 20, sinabi ng tatlo na parang hindi sila nagtatrabaho sa set.

“Kasi sila mismo ‘yung nag-e-enjoy sa set tapos minsan hindi ko alam na minsan akala ko rehearsal, take pa lang tapos okay na pala ‘yon,” kwento ni Drei, na gumaganap bilang si Nurse Chris na kinagigiliwan ng mga lola.

Dagdag niya, “Sobrang parang hindi po ako nagwo-work tapos sobrang maganda environment namin sa set. Tapos ‘yung takot ko po nu’ng tinanggap ko po ‘yung project, nu’ng binigay sa akin nila Miss Wilma (Galvante) ‘yung project, nawala agad sa first day kasi hindi ko po alam kung bakit ganito ka-humble itong mga veteran actors na ‘to. Sobrang sarap na kasama po sila.”

Tsika naman ni Zach, na tampok bilang si T45, ang nurse na robot, “Ako po, unang taping pa lang po kinabahan na po ako kasi siyempre, Empoy saka Alessandra, ‘di ba? Batikang aktor ‘yan, eh.

Napakagagaling na aktor ‘yan, tinitingala ko po sila pero dahil nga po sa bait nila, sa kalog din po sila, eh, ‘di ka po nila ituturing na mababang aktor ka pa lang. Kaya nga po, thankful din po ako sa kanila kasi in-encourage din po nila kami at saka ang saya rin po sa set, ang saya po nila katrabaho, ang saya po nilang kasama. Mag-e-enjoy ka ‘pag sila katrabaho.”

Para naman kay Michelle, nagkatrabaho na sila ni Empoy sa isang shoot abroad. Pero si Alex, ngayon lang niya nakasama kaya noong una, medyo na-intimidate siya.

“Nu’ng umpisa pero super bait ni Ate, ‘di ka niya ipapa-feel na baguhan, palabati, laging nagjo-joke. Sobrang gaan lang katrabaho,” ani Michelle.

Anyway, may pagka-futuristic ang May Forever dahil ang setting nito ay taong 2064. Tungkol ito sa mag-asawang senior citizen — sina May (Alex) at Ever (Empoy) na nakatira sa isang assisted living facility.

Dito nila madidiskubre na ang tunay na nagmamahal, may forever.

Sa ilalim ng direksyon ni Nico Faustino, kasama rin sa cast sina Archie Alemania, Vangie Labalan, Anthony Ocampo, TJ Valderrama at Mitoy Yonting.

AUTHOR PROFILE