Anne1

ANNE, NAKIPAGBARDAGULAN SA BITTER NA NETIZEN

October 9, 2023 Jun Nardo 179 views

SINALUBONG ng bitter na netizen ang pagbabalik ni Anne Curtis sa bansa.

Pinansin ng netizen ang lips ni Anne at tweet ng netizen, “Medyo papansin ‘tong big lips na ‘to. Kulang na lang ipa surgeon mo yang bunganga.”

Hindi ito pinalampas ni Anne.

Buweltang tweet niya sa netizen, “Hindi ko kailangan ng surgeon or any doctor dahil I was born and blessed with these ips or bunganga as you say.”

Pero mas maraming natuwa sa pagbabalik ni Anne lalo na sa Twitter.

Sinabi rin niyang magbabalik din siya sa It’s Showtime na sa October 14 na ang simula ng 12-day suspension.

AUTHOR PROFILE