Kris Larawan: Screengrab from Kris Bernal/IG story

Kris Bernal sa motherhood: ‘Pagod sa life but laban’

October 9, 2023 People's Tonight 248 views

IBINAHAGI ng aktres na si Kris Bernal sa kanyang IG story ang journey ng pag-aalaga sa anak niyang si Hailee Lucca.

Sey ni Kris, nakakapagod daw ang buhay ng pagiging mommy pero kailangan niyang tibayan ang kanyang loob.

“Pagod sa life but laban,” caption ni Kris kalakip ang tamlay niyang pagmumukha.

Dagdag pa niya, medyo iyakin at mabilis umano ma-irita si Baby Hailee.

“Baby is extra extra fussy/ Irritable/ Iyakin today. Gusto kong sabayan ang pag-iyak niya sa pagod, pero hindi pwede. Kailangan kong tibayan ang loob ko,” saad ng aktres.

Matatandaang, bukod kay Kris, ilang celebrity moms gaya nina, Anne, Angelica, Solenn, ang nakaranas ng ganitong sitwasyon.

AUTHOR PROFILE