Juliever

JulieVer, Boobay at Sparkle team, nagtago sa bomb shelter

October 9, 2023 Jun Nardo 193 views

KAGABI lumipad pabalik ng Pilipinas sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay at Team Sparkle na naabutan ng lockdown sa Israel dahil sa giyera.

Sa chika ni Boobay kay Aubrey Carampel sa Balita Ko kahapon ng umaga, naranasan nilang magtago sa bomb shelter kapag may tunog ng alarma.

Dahil sa gulo ng magkalabang dalawang panig, kinansela ang concert nila sa Tel Aviv University.

Kahit ligtas, unforgettable ang experience na ito nina JulieVer, Boobay at iba pang mga kasama sa biyahe.

AUTHOR PROFILE