Jomari

Ang totoong kuwento ng buhay-pag-ibig nina Jomari at Abby

March 6, 2023 Aster Amoyo 447 views

Jomari1ENGAGED na ang celebrity couple na sina Jomari Yllana at Abby Viduya (dating Priscilla Almeda) at ito’y nangyari nung nakaraang February 24, 2023 in the presence of their respective families at ang veteran entertainment writer-columnist and talent manager, Nestor Cuartero (manager of Abby).

Although they got reconnected in 2015, it was only in 2019 nang muling ma-rekindle ang pagmamahal nila para sa isa’t isa when the actor-politician and race driver prodded his first love and lady love na bumalik ng Pilipinas to give her showbiz career another try. But more than her showbiz career, gusto niyang makita at makapiling muli si Abby.

Although nagsasama na sina Jom at Abby since 2019, mas lalo nilang na-discover ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Ayon sa dalawa, muling nanumbalik sa kanila ang panahong `90s nung maging sila when they were both 15 years old. They were each other’s first love, first relationship and first kiss. Palibhasa’y pareho pa silang mga bata at naging busy sa kanilang respective solo career, unti-unti silang nag-drift apart hanggang sa mawalan na sila ng komunikasyon sa isa’t isa.

When Seiko Films signed-up Abby, she was transformed into a sexy star at binago rin ang kanyang screen name at ginawang Priscilla Almeda and was launched in the sexy movie “Sariwa”. Magmula noon ay namayagpag ang karera ng actress until mag-desisyon siya mamalagi ng Japan at pagkatapos ay bumalik sa kanyang adoptive parents in Vancouver, Canada where she raised her three kids from a non-showbiz father.

In 2004, Jomari married actress-politician Aiko Melendez at nagkaroon sila ng isang anak, ang young actor now na si Andre (24) but the couple got separated and their marriage was annulled in 2004.

The former couple has had a string of relationships after their separation. Aiko has remarried in 2006 to non-showbiz Martin Jickain at nagkaroon sila ng isang anak na si Marthena. For the second time, Aiko’s marriage to Jickain was annulled in 2010. Sumunod na naging karelasyon ni Aiko ay ang politician na si Patrick Meneses bago ang kanyang present partner, ang politician na si Jefferson `Jay’ Khonghun at matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon.

Jomari for his part ay na-link noon kina Ara Mina, Pops Fernandez at sa non-showbiz girl na si Joy Reyes with whom he has two sons na sina Ayrton (4) at Fangio (3). But just like his past relationships, nagkahiwalay din sila ng ina ng dalawa niyang anak.

Jomari admits na kakaiba ang kanyang naramdaman nang magkita silang muli ni Abby.

Sa tulong ng social media (Facebook), Jomari started reaching out kay Abby na settled na noon sa Canada. Nagpadala siya ng mensahe kay Abby through messenger at sa halip na mag-chat back ang actress ay nag-desisyon siyang tawagan ang actor sa pag-aakalang baka fake itong Jomari at doon niya nabosesan ang actor. They started communicating until 2016 pero pansamantala itong naputol muli until the actor started reconnecting again with Abby in 2019. At that time ay hiwalay na si Jomari sa kanyang huling partner na si Joy.

Nang ma-rekindle ang pagmamahalan nina Jomari at Abby, the latter decided to return to Manila in late 2019. Nang salubungin ng actor si Abby sa airport, nanginginig ang huli kaya nag-desisyon si Jomari na dalhin ang aktres sa Baclaran church at doon umano ito nag-calm down. Sa loob ng simbahan ay niyakap at hinalikan ng actor ang kanyang lady love.

On their way home, pinagpahinga muna ni Jom si Abby ng ilang oras at kinabukasan ay saka niya ito sinabihan na mag-impake at magdala ng mga gamit dahil aalis sila. Walang kaalam-alam ang aktres na sila’y lilipad patungong Sydney, Australia to attend the wedding of Jomari’s cousin. It was their first travel together to Sydney where they both discovered kung gaano nila ka-miss at kamahal ang isa’t isa.

While in Sydney, they stayed sa isang airbnb sa halip na tumuloy sa isang hotel. Abby would cook at si Jomari naman ang in-charge sa laundry and they had fun.

“We really had fun and we enjoyed being together,” pag-amin ng actor-politician.

When Abby’s adoptive mom, Mrs. Isabel Razon Viduya arrived from Canada with Abby’s other siblings, Jom took advantage of the opportunity na mag-propose sa aktres at ito’y nangyari sa bahay ng isang sister ni Abby na si Mato Viduya-Avancena in Paranaque City nung nakaraang February 24.

AUTHOR PROFILE