Letim

Ang inspiring na kwento ni Mary Letim

November 18, 2023 Eugene E. Asis 241 views

Letim1DATING heavyweight beauty si Mary Letim at 200 pounds. Ngayon, sa timbang na 120 pounds, si Mary ay mamumuhay nang magaan, masaya, sexy at productive. Nagsimula ang kanyang journey mula sa pagiging mataba sa isang seksing babae noong magkaroon ng pandemic sa pamamagitan ng natural diet (pagbabawas ng carbs sa kinakain), ehersisyo, at non-evasive na gamutan sa pamamagitan na rin ng kanyang sariling produkto.

Ang makeup at hairstylist sa mga celebrity ay negosyante rin na nasa beauty product business kaya kailangang magpakita siya ng magandang halimbawa.

Si Mary ay isang professional and celebrity make up and hair artist at itinuturing siyang fairy godmother ng ilang celebrities tulad nina Julia Montes, Herlene Budol, Regine Tolentino, Aubrey Miles, Carlo Aquino, Rufa Mae Quinto, SexBomb Girl Sunshine Garcia at singer na si Janine Berdin. Kabilang din sa mga kilalang personalidad sa kanyang mga kliyente ang mga sikat na vloggers na sina Jelai Andres, Whamos Cruz at ang elebrity entrepreneur na si Wilbert Tolentino.

Ang kanyang ML Salon and Spa All Star and ML Salon and Spa ay matatagpuan sa New Manila Quezon City at Pateros.

At ngayon, ilulunsad niya ang pinakabagong skin and beauty treatments and therapies, ang Kavougera by Mary Letim, kabilang ang Kavougera Kojic Soap, Tinted Sunscreen and Body Lotion. Ang lahat ng ito ay magiging available sa Shopee, Lazada, Tiktok Shop and ML Salon simula sa Lunes, Nobyembre 20.

AUTHOR PROFILE