Andrei

Andrei pinagtakpan ang ina

September 16, 2023 Aster Amoyo 461 views

NI-REVEAL ni Andrei Trazona na pinagtakpan lang daw niya ang pagiging unsupportive ng kanyang ina sa kanyang tunay na pagkatao.

Matagal na raw na sinusuportahan ni Andrei ang sarili niya sa pagiging isang drag performer na gamit ang drag name na Sofia.

Ang ina ni Andrei ay ang former Sexbomb Girl na si Izzy Trazona.

Sa kanyang Facebook, ito ang naging confession ni Andrei sa situwasyon niya ngayon…

“I LIED IN AN INTERVIEW.

“that she supports for what I am and for what I do just to protect her from any backlash but there’s no point in protecting her because the truth came out straight from her… I don’t wanna live in a lie.

“I’m sustaining myself for years now and I am living responsibly honest. I’m tired of this conversation about me being gay and doing drag.

“I wanna end this argument by saying that “I wanna live my own truth and someday you will be proud of what I will become.”

May dinagdag pang post si Andrei na “it’s like saying i love you because you’re my son but i don’t accept you for who you are.”

Nakatanggap si Andrei ng suporta mula sa drag community at sa ibang netizens na pinagdaanan din ang situation niya ngayon.

Dennis nakumbinsing gumawa ng content sa TikTok

BUKOD sa pagiging mahusay na aktor, tumalon na rin sa pagiging TikTokerist ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo, kung saan nakikita ng kanyang fans ang kanyang pagiging kuwela.

Tinanong si Dennis kung sino ang nagtulak sa kanya na gumawa ng content sa short-video streaming app na TikTok.

Ayon kay Dennis, umpisa pa lamang ng pandemya ay kinukumbinsi na siya ng kanyang management na gumawa ng TikTok account dahil sa dami ng subscribers nito.

“Ang totoo po niyan ilang taon na rin po akong kinukumbinsi na mag-Tiktok. Siguro pandemic days pa po dahil sinasabi nila na, ‘O, kailangan mo ‘yan dahil ito na ‘yung profile na tinitignan ngayon and sobrang daming TikTok subscribers sa buong mundo, sa Pilipinas so, nandiyan ‘yung ibang market na kailangan mong ma-tap dahil ito ‘yung masa at maraming makakapanood talaga.”

Sa kabila ng kanyang mga kuwelang content, sinabi ni Dennis na talagang nahihiya pa siya noong una na gumawa ng video at inaaral niya pa kung ano ang latest trend.

“After ilang years actually, nakumbinsi na rin po ako and ginawa ko na rin po ‘yung account and noong una medyo nahihiya pa rin ako pero tiningnan ko ‘yung trend, tiningnan ko ‘yung puwede kong gayahin, dahil para kang nagsu-surf e, kailangan mo tingnan ‘yung magagandang alon, ‘yung magagandang waves na sasabayan mo,” sey ni Dennis.

Aminado rin si Dennis na paraan niyang gawing nakakatawa ang kanyang mga content.

“Hindi naman ako sumasayaw e, at saka hindi rin naman ako mahilig magpa-cute. Kaya ginagawa ko na lang nakakatawa ‘yung mga videos ko.”

Samantala, muli namang mapapanood sa GMA Primetime si Dennis sa upcoming series na Love Before Sunrise kung saan muli niyang makakatambal ang aktres na si Bea Alonzo simula sa September 25.

Rights sa sariling kanta nakuha ni Yeng mula sa Star Records

PAG-AARI na ng OPM singer-songwriter na si Yeng Constantino ang kanyang mga nasulat na songs after 17 years.

Nagpapasalamat si Yeng sa Star Music na hindi siya nahirapan sa pag-acquire niya ng kanyang music catalog.

“Hindi naman tayo bumabata so parang as I’m getting older. I think I’ve been like this simula pa naman nung umpisa. I always think about the future. Itong trabaho namin it’s not forever and what do I have to do in the present para ma-secure ko ang aking retirement pagtanda. Isa lang ‘to sa mga steps na ginagawa ko para mas ma-secure ‘yung future ko. Eventually I think ‘yung songs are an investment as well,” sey ni Yeng na nakakontrata na sa Republic Records Philippines.

Wala naman daw naging problema with Star Music sa paglipat niya ng music label.

“Ako mismo personally pumunta pa ako ng Star Music. Naiyak pa nga ako kasi siyempre laking hiya ko. Ayaw ko po mag-come off as ungrateful, ayaw ko pong ma-feel na I’m abandoning you guys. It’s not that it’s more of a personal reason.

“The good thing about owning my songs na ngayon, pwede kong i-rewrite ‘yung lyrics kasi siyempre nag-go-grow din ako bilang songwriter. May mga songs dun na natatawa ako. I think I’m evolving as a songwriter as well.”

Kabilang sa mga hit singles ni Yeng ay ang “Salamat,” “Hawak Kamay” at “Ikaw.”

AUTHOR PROFILE