Andrea

Andrea, pumalag sa ‘Date or Pass’ hate comments

August 28, 2023 Vinia Vivar 341 views

Nag-react si Andrea Brillantes sa mga pangba-bash ng netizens sa kanya dahil sa mga naging pahayag niya sa kanyang “Date or Pass” vlog.

Sa nasabing vlog ay mapapanood na “date” ang sagot niya sa anak ni Ina Raymundo na si Jakob Poturnak and she even gave him a message na, “Hi, Jakob, if you’re watching, I’m single na.”

Sinabi rin niyang naguguwapuhan siya kay Jakob noon pa.

Kaagad itong nag-viral sa social media bukod pa sa ibinalita rin ito sa TV, tabloids at iba’t ibang entertainment sites.

As expected, na-bash na naman nang bonggang-bongga si Andrea ng mga netizen at kung anu-ano na namang mga salita ang ibinato sa kanya.

Sa kanyang latest TikTok video ay sinagot ni Andrea ang kanyang haters and bashers habang nasa sasakyan at nagme-make-up.

“So, as you all know, my friend group – Danica, Bea, Criza and I or the ABCD girls – we made a couple of YouTube videos on each of our channels and the content that I came up with my YouTube channel was ‘Date or Pass.’

“And it has gotten some attention,” sey ni Blythe (real name ni Andrea).

“So, yesterday, while I was at work a couple of articles. Nu’ng sinabi ko na parang ‘I’m single, naguguwapuhan ako sa guy na ‘to,’ ta’s alam n’yo, wala akong pang-amoy pero du’n pa lang, naaamoy ko na ‘yung comment section.

“Like I had a feeling na siguro, ‘yung comment section, puno na ng mga boomers, siguro sinasabi nila na puro ako boys, hanap ako nang hanap, magpahinga naman muna ako or to be harsh, malandi daw akesh,” patuloy niya.

At hindi nga siya nagkamali dahil nang basahin niya ang mga komento ay ganu’n nga ang mga sinasabi sa kanya ng mga tao.

“Eh di mas lalo pa akong naloka nu’ng nalaman ko na nasa news pa yata ako ng TV5,” dagdag pa ng aktres.

Obviously ay hindi raw pinanood ng bashers ang buong vlog dahil kung napanood daw ng mga ito, they would see na katakut-takot na disclaimers ang kanyang sinabi.

“I put so many disclaimers na ‘please, girls are just having fun, don’t take this seriously,” sey niya.

Ipinaliwanag din niya sa video kung bakit ‘date or pass’ ang pinili niyang game instead of ‘jojowain or totropahin’ na aniya ay ayaw na niya kasing maulit ang nangyari na sinabi niya noong totropahin si Ricci Rivero pero naging jowa niya.

“Alam n’yo ‘yan kung nanood kayo, pero siyempre, hindi kayo nanood kaya nga kayo judgmental, eh,” sey ni Andrea sa bashers.

“Eh ‘di ayun, in-OA na ng mga tao, oo,” sambit pa niya.

Nang mabasa nga raw niya ang hate comments, ang una niyang reaksyon ay, “luh, ‘eto na naman tayo, sineryoso na naman ‘yung dapat playtime lang.”

Depensa pa niya, “Sinabi ko lang naman, naguguwapuhan ako du’n sa tao (Jakob), ano bang big deal du’n?”

Paliwanag pa ng aktres, “Yes, alam ko, artista ako, kahit ano talaga ang sabihin ko, pwedeng makakuha ng attention, pero like ‘eto, talaga ba? Ganito kaliit na bagay? Like is it really that relevant?

Like is my love life or taste in boys really that relevant to this world? Full of problems na nga.”

Klinaro din niyang joke lang para sa kanya ‘yung sinabi niya kay Jakob na “I’m single” dahil kung seryoso ito ay hindi na niya idadaan pa sa vlog at nag-direct message (DM) na lang sana siya.

“It’s also funny kasi ang daming nagsasabi na hanap ako nang hanap or I’m trying so hard. Come on, guys, not to be mayabang or anything, but I don’t really need to try, like it’s really not that hard for me.

“Just being honest, ha, if I really want to date a guy now, eh, di sana, meron na. Magre-reply lang naman ako, eh,” sey pa ng bida sa bagong TV series ng ABS-CBN na ‘Senior High.’

“Ayan na naman, sasabihin na naman, malandi ako,” bulalas pa ng aktres.

Pag-uulit niya, “I am not looking for anything or anyone right now. I’m happily single and enjoying my youth. It was just for content and entertainment.”

At kahit daw seryoso siya tungkol dito, aniya ay hindi rin siya dapat makatanggap ng hate comments because of this.

“I don’t think a woman should be getting any hate for making the first move. For me, that’s not being malandi at all. I don’t think a woman should be receiving harsh words and hate just because she’s being courageous sa lalaking natitipuhan niya.

“I also don’t think I should be getting hate if I ever decide to put myself out there na. Tinitingnan ko kasi siya sa perspective na I’m in my 20s, I own a business, I have a nice career, I pay my bills and taxes, so why need to hate when I just want to have fun?

“Bakit? May nasira ba akong three-month rule? Wala nga, eh. And ano ba kayo, date lang nga, ‘di nga jojowain. Titigil ba ang mundo n’yo?” katwiran ng aktres.

Kung lalaki nga raw siya, feeling niya ay hindi siya makakatanggap ng ganitong hate comments about it.

“’Yun lang. Naloka lang ako na napa-news pa siya at saka ang daming articles. Kasi, sino bang may pake? Ano ba kayo?” tanong pa ng aktres.

AUTHOR PROFILE