Manahan

Mr. M, balik-direktor sa TV

August 28, 2023 Jun Nardo 255 views

NAKARAOS na si Direk Johnny “Mr. M” Manahan sa pagbabalik niya bilang director sa TV via The Voice Generations na kahapon ang pilot telecast.

Matagal ding nabakante si Mr. M bilang director. Kaya naman nang alukin siya ng GMA Network upang idirek ang talent search, “I grabbed it!” aniya.

Naging director ng ilang ABS-CBN shows si Mr. M gaya ng Pinoy Boy Brother at iba pa.

Aminado siya na na-miss niya ang pagdidirek.

So, bukod sa pagiging consultant sa GMA Artist Center, balik-director muli si Mr. M sa Kapuso network.

RICHARD, MULA HAPON HANGGANG GABI NAPAPANOOD SA TV

ANG bilis ng Book 2 ng Unbreak My Heart, huh!

Nagtapos ang Book 1 last Thursday at heto, nagsimula na kagabi ang Book 2.

Sa Kapuso stars na napapanood, tanging si Richard Yap lamang ang artistang mula hapon hanggang gabi napapanood sa TV, huh!

Abangan ang mga bagong pasabog sa Book 2 ng Unbreak My Heart.

AUTHOR PROFILE