Ricci

Andrea, ipinagtanggol ni JC sa isyu kay Ricci

July 7, 2023 Jun Nardo 245 views

GUEST si Ricci Rivero sa taping ng Iskovery Nights ni Isko Moreno sa Scott Media Production nitong Huwebes.

Dahil nasabay sa taping namin ng Marites University ang guesting ni Ricci, umasa kaming magku-cross-over siya gaya ng ginawa ni Gerald Anderson nang mag-guest kay Isko.

Nakita pa naming dumaan si Ricci sa studio. May nagsabi raw sa kanya na studio namin ‘yon at nandoon kami.

Remember, ang Marites ang naglabas ng message ni Andrea Brillantes tungkol sa diumano’y babaing hubad na nakita niya sa kuwarto na kasama ng ex-BF.

Ang co-host naming si Jhai Ho ang naglabas kaya pinik-ap at trending ang balitang ‘yo.

Pero dumaan ba si Ricci? Hindi!

Sa narinig namin, nahusgahan na raw siya dahil sa ibinalita namin. Of course, hindi na kami nagpumilit pa. Kung ayaw niya sa Marites, ayaw din namin sa kanya, ‘no?

Sikat ba si Ricci, Ian F.?

Samantala, sa taping namin last Thursday, isa sa guests namin si JC Alcantara na kasama ni Andrea Brillantes sa series na Drag Me & You.

Ipinagtanggol ni JC si Andrea kay Ricci dahil kaibigan ang turing niya sa young actress.

Abangan ninyo ang pag-upload namin sa interview namin kay JC dahil mapapanood ang galing niya sa pag-arte lalo na’t nagkaroon kami ng acting audition sa MU para mapanood ninyo ang husay niya.

AUTHOR PROFILE