Posas

Amo tiklo sa boga

November 16, 2023 Jonjon Reyes 202 views

ARESTADO ang isang suspek sa pagdadala ng baril sa mga tauhan ng Warrant and Intel Section ng Manila Police District-Ermita Police Station 5 sa loob ng male custodial facility sa Manila City Jail sa Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila noong Miyerkules.

Nakilala ang suspek na si alyas Amo ng Anak Bayan St., Brgy. 741, Paco, Maynila.

Batay sa ulat ni Police Major. Joemar Mukarram kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander, bandang alas-5:20 ng hapon nang isilbi ang arrest warrant kay alyas Amo sa loob ng MCJ.

Si Police Chief Master Sergeant Arnel Santos ang nagsilbi ng warrant of arrest na pinangasiwaan ni Police Major Edwin Fuggan, hepe ng Warrant and Intel Section nang pumunta sa bilanguan.

Inaresto si Amo dahil sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

AUTHOR PROFILE