
Alden gusto ng pamilya ni Kathryn
THERE’S no stopping sa pagiging extra close ngayon ng “Hello, Love, Goodbye” lead stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil hindi lamang naimbitahan ang Kapuso prized actor sa dalawang recent birthday celebration ng Kapamilya star kundi maging sa housewarming ng bagong bahay nito with her family.
Tulad noon sa ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel Padilla, mainit din ang pagtanggap ng pamilya ng Kapamilya star kay Alden maging ng mga kaibigan nito in and out of showbiz.
Bukod kay Alden, namataan din sa naturang okasyon ang iba pang malalapit na kaibigan ni Kathryn tulad ng president and CEO ng ABS-CBN na si Karlo Katigbak, Ria Atayde, Gelli de Belen, Amy Austria, Dimples Romana, writer-director at dating Managing Director ng Star Cinema na si Olive Lamasan, Alyssa Muhlach, Dominic Roque, Darren Espanto, Kakai Bautista, Alora Sasam, ang mag-asawang Robi Domingo at Maiqui Pineda at iba pa.
Ang house blessing ng dreamhouse ni Kathryn at ng kanyang pamilya ay magsisilbi ring birthday gift ng Kapamilya star sa kanyang sarili matapos ang kanyang 28th birthday celebration in El Nido, Palawan nung nakaraang March 26 and a post birthday celebration later na parehong dinaluhan ni Alden.
Kakaiba ang naging birthday celebration ni Kathryn this year dahil ito ang unang taon na wala na sila ng kanyang dating nobyo of 11 years na si Daniel Padilla.
Although naging very challenging kay Kathryn ang taong 2023 dahil sa paghihiwalay nila ni Daniel, isang panibagong chapter naman ang kanyang hinarap ngayong 2024. She is grateful that she is surrounded by love and support hindi lamang ng kanyang pamilya kundi maging ng kanyang mga kaibigan at mga fans, dahilan kung bakit siya madaling nakapag-move on.
Mader Ricky celebrates 74th birthday
IT was an intimate birthday celebration with family and close friends sa 74th na kaarawan ng beauty czar and icon na si Mader Ricky Reyes na ginanap sa kanyang mala-palasyong tahanan in Alta Vista in Quezon City last Friday, April 12.
Namataan namin doon ang dalawang former beauty queens na sina Evangeline Pascual at Peachy Venaracion, ang veteran journalist and former TV host na si Julie Yap-Daza, veteran fashion designer Renee Salud, salon owner Ness Astilla (na naging empleyado ng Ricky Reyes Salon for 16 years), ang GMA executive na si Gigi Lara and former Kapuso executives na sina Wilma Galvante at Darling de Jesus at iba pa habang guest performers naman sina Mark Bautista at Renz Verano maging ang Net25 Artist Center talent and daughter na si Jam Aquino. Nandun din siyempre ang longtime partner ni Mader (of 47 years), ang businessman and ever-supportive na si Cris Aquino and their other daughter na si Stephanie Aquino. Naroon din ang younger brother ni Mader Ricky, ang businessman na si Les Reyes, ang may-ari Reyes Haircutters chain of salons.
Bukod sa kanyang pagiging successful owner ng chain of Ricky Reyes Hair Salon, ang pagiging pangulo ng isang international hairdressers association, siya rin ang founder ng CHILD Haus Foundation na siyang tahanan ng mga batang may sakit na kanser.
Mader Ricky is more than a family to us. Our friendship dates back in the late `70s nung nagsisimula pa lamang siya sa kanyang hair salon business.
It was Mama Renee (Salud) who introduced Mader Ricky sa yumaong editor ng MOD Magazine na si Ernie Sioco and the rest ay history nang maituturing.
Mama Renee and Mader Ricky remain to be the best of friends hanggang ngayon.
Here’s a toast to your 74th birthday, Mader Ricky!
Kaye hindi pinigilan ni Paul Jake
SA recent guesting ng Cebu-based actress na si Kaye Abad-Castillo sa programa ng King of Talk na si Boy Abunda, ang “Fast Talk with Boy Abunda” on GMA ay inamin nito na naging nobyo niya noon ang kanyang co-star sa “Tabing Ilog” afternoon series na si John Lloyd Cruz. Nanligaw din umano sa kanya sina Patrick Garcia (na crush niya noon) at Paolo Contis pero mas minabuti niyang maging magkakaibigan na lamang sila. Naging boyfriend din ni Kate ang mister na ngayon ni Neri Nayag na si Chito Miranda (ng “Parokya ni Edgar”) pero nauwi man sa hiwalayan ang kanilang relasyon ay magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon.
Kaye is now happily married sa ex-PBB housemate-turned actor and businessman na si Paul Jake Castillo (from Cebu) and the couple will be celebrating their 8th wedding anniversary on December 9, 2024. They are also blessed with two sons na sina Joaquin at Inigo.
Nang ikasal sina Kaye at Paul Jake ay sa Cebu na sila nanirahan with their two kids. But if there are good projects for her ay tinatanggap niya ito with her husband’s blessing.
Ayon kay Kaye, never umano siyang pinahinto sa kanyang showbiz career ni Paul Jake na napaka-supportive umano sa kanya pero mas priority sa actress ang kanyang role bilang wife to her husband at ina sa kanilang dalawang anak na sobra umano niyang ini-enjoy.
Sa tagal nang nakatira ni Kaye sa Cebu ay fluent na rin siyang magsalita ng Cebuano.
Tulad ni Kaye, sa Cebu na rin naka-base ang sikat na singer-actress na si Donna Cruz who is also happily married kay Dr. Yong Larrazabal. Donna was at the peak of her career sa bakuran ng Viva nang siya’y mag-asawa. Mas pinaboran din ng singer-actress ang kanyang role as housewife.
Donna and Yong have three grown-up children na sina Belle, Gio at Cian Yrastorza Larrazabal. Her daughter Belle is her mini-me.
Lee tuluyan nang na-deport
IT was last Monday, April 8, 2024 nang tuluyang mapa-deport ang former partner ng singer, actress-comedienne at host na si Pokwang (Marietta Tan Subong in real life), ang American part-time actor na si Lee O’Brian due to lack of proper documentation and work permit.
It was on November 2022 nang magkahiwalay ang dating mag-partner na merong 6-year-old daughter na si Malia. Ito’y sinundan ng pagpa-file ng singer-actress-host ng deportation case against Lee sa Bureau of Immigration. Dahil sa merito ng kasong isinampa ni Pokwang, napa-deport ang American actor who did some TV and movie guestings in the Philippines without work permits.
Nais ni Pokwang na makahanap ng stable job sa Amerika si Lee para masuportahan nito ang kanilang anak na si Malia. Hindi rin umano niyang ipagkakait si Malia sa ama nito pero hindi ito mangyayari sa Pilipinas dahil hindi na ito makakabalik ng Pilipinas dahil blacklisted na siya.
Sina Pokwang at Lee ay nagkakilala nang magsama ang dalawa sa pelikulang “Edsa Woolworth” nung 2014 na pinagbidahan mismo ni Pokwang and was shot in Amerika. The following year, dumating sa Pilipinas si Lee to help promote the movie at dito na niya niligawan si Pokwang hanggang maging sila.
But during the time na sila’y nagsasama hanggang sa pagkakaroon nila ng anak ay si Pokwang ang sumusuporta sa kanyang pamilya at kay Lee na walang stable income.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.