Albie

Albie pinagmumulan ng tensyon sa PBB

November 7, 2021 Joey Aquino 323 views

BIG revelation sa Pinoy Big Brother Season 10 ang aktor na si Albie Casiño.

He seems to be this batch’s enfant terrible. Inamin ng aktor na may attention-deficit/hyperactivity disorder (ADHD) siya. Kaya iba ang ikinikilos niya sa Bahay ni Kuya. Mukhang siya ang pinagmumulan ng tensyon. Sa katunayan, may tensyon na namamagitan sa kanilang dalawa ni Alexa Ilacad.

Bukod pa rito, naging kontrobersyal ang pahayag ng aktor tungkol sa kanyang dating karelasyon na si Andi Eigenmann. Na kaagad namang inalmahan ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose.

Pinagbantaan pa niya mismo ang management ng PBB at si Direk Laurenti Dyogi na ilalabas raw niya ang katotohanan ‘pag di tumigil ang aktor sa pagkakaladkad kay Andi sa ķontrobersiya.

Matatandaan na si Albie ang itinurong nakabuntis kay Andi noon. Both Albie and Andi were at the peak of their career when that happened. Bagaman naabsuwelto ang aktor sa isyu, tuluyan namang tumamlay ang career ng aktor. Ayon kay Albie, hindi man lang daw humingi ng apology ang aktres sa kanya. Na agad namang pinasinungalingan ng kapatid ni Andi na si Stevie.

According to colleague Cristy Fermin, he could have been as famous as Daniel Padilla had he not been dragged into said controversy. Ngayon, mainit na pinag-uusapan ang aktor sa loob at labas ng PBB House. Aminin o hindi, mas pinag-uusapan ngayon ang PBB dahil sa tensyon sa loob ng Bahay ni Kuya. Albie’s presence adds spice to the predictable PBB. Kaya kaabang-abang. Isa pa sa inamin ni Albie ay ang pakiramdam niya na para siyang outsider. Ayon sa kanya, may nabuo na raw na relasyon ang mga housemates na naunang pumasok sa kanya sa PBB House.

Sa kabila nito, pilit pa rin siyang inuunawa ng kanyang mga housemate. Pero hanggang saan matitiis ng mga housemate ang mga pitik ni Albie? At sa ipinakikitang tunay na karakter nito, makakatulong ba ito sa career ni Albie? Just asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at [email protected] para sa komento o reaksyon.

AUTHOR PROFILE