Aktor naanakan ang isang dancer ni Willie

June 12, 2021 Aster Amoyo 631 views

MALAPIT nang maging ama ang commercial model-turned actor na si Neil Coleta courtesy of her partner, ang dancer ng “Wowowin” ni Willie Revillame na si Jasmin Chinnel.

Sa pamamagitan ng isang virtual gender reveal recently, ibinahagi ng magkasintahan sa kanilang respective Instagram account na baby girl ang kanilang magiging first baby.

Neil who is turning 30 sa darating na August 4 ay excited sa panibagong journey ng pagsasama nila ng kanyang partner na si Jasmin.

Si Neil ay isa sa closest friends ng Kapamilya matinee idol na si Daniel Padilla kaya siguradong isa si Daniel sa tatayong godparents ng magiging first baby nila ni Jasmin.

Huling napanood si Neil sa TV series na“The Killer Bride” at “Starla” nung 2019 at sa pelikulang “Princess Dayareese” early this year.

Direk Darryl: Bash means cash

THIRTY-four-year-old out-of-the-box writer-director Darryl Yap is no doubt the busiest writer-director in the country today now filming his 11th movie under Viva Films and his 9th for this year alone.

Hindi ikinakaila ng millennial megman na malaki ang utang na loob niya sa Viva’s big boss na si Boss Vic del Rosario dahil ito ang nagtiwala at nagbigay sa kanya ng break na maging mainstream director sa launching movie ni Kim Molina, ang “Jowable” na naging malaking hit sa takilya na nasundan ng “Sakristan” in 2020. Pero sa pagpasok ng taong 2021 ay siyam na pelikula kaagad ang ipinagawa sa kanya ng Viva na kanyang sinimulan sa sex comedy movie na “Paglaki ko Gusto kong Maging Pornstar” na naging hit sa Vivamax. Ito’y nasundan ng “Tililing,” “Kung Puwede Lang: The Rant Serye” at “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na susundan ng “Gluta” na nakatakdang ipalabas next month. Tapos na rin niyang gawin ang mga pelikulang “Revirginized” na balik-Viva project ng megastar na si Sharon Cuneta. Nariyan din ang “Kikiki” and about to start another sex-comedy movie na “69+1” na tatampukan naman nina Janno Gibbs, Maui Taylor at Rose van Ginkel.

Dahil sa titulo at tema ng mga pelikulang pinamamahalaan ni Direk Darryl na siya rin lahat ang sumulat, paborito siyang i-bash ng kanyang mga `critics’ bagay na pinasasalamatan ng batang director dahil “every bash means cash to him”.

Personal namang pinabulaanan ni Direk Darryl na siya ang paboritong director ng Viva dahil sa kanyang sunud-sunod na film projects sa Del Rosario-owned film company.

“Nagkataon lamang po na mabilis akong magtrabaho, pero marami ang iba pang ongoing projects ang Viva na hindi po ako ang director,” paliwanag niya.

Hindi naman ikinakaila ni Direk Darryl na malaki ang naitulong sa kanya at sa kanyang pamilya ang tiwalang ibinigay sa kanya ng Viva at nagpapasalamat siya kay Boss Vic dahil naiintindihan nito ang kanyang iba’t ibang konsepto at very supportive ito sa kanya sa kabilang ng bashing at kontrobersiya na kanyang natatanggap sa mga netizens.

Although sisimulan pa lamang ang sex-comedy movie na “69 +1,” handa na si Direk Darryl na ito’y sasalubungin na naman ng mga batikos mula sa kanyang mga `kritiko’.

Ayon kay Direk Darryl, bawat pelikulang kanyang ginagawa ay may statement na gusto niyang ipahatid at ipaunawa sa mga manonood dahil ito’y sumasalamin sa tunay na mga kaganapan sa ating paligid.

Isa pang anak ni Nino nasa Viva na

ISA ang panganay ng dating child superstar na si Nino Muhlach na si sa mga bagong young artists ng GMA Artists Center.

Si Sandro ay nahasa sa teatro since he was 13 years old. Isa rin siyang commercial model.

Si Sandro ay panganay na anak ni Onin (Nino) sa kanyang ex-wife na si Edith Millare na may iba na ring pamilya sa New York City, USA. Nakababatang kapatid ni Sandro ang child star na si Alonzo Muhlach sa present wife ni Nino na si Abby Tupaz.

Since bawal pang lumabas ang mga bata, matagal-tagal na ring walang work si Alonzo na sobra na niyang nami-miss kaya panay gadgets ang kanyang pinagkakaabalahan ngayon dahil hindi siya lumalabas ng bahay. Pati pag-aaral niya ay online.

Talents network transfers hindi mapigilan

HINDI talaga maiiwasan ang network transfers ng mga artista and even production people laluna nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN nung isang taon.

Kung maraming talents ang nalagas sa bakuran ng Kapamilya channel, marami sa kanila ang nag-ober da bakod sa Kapuso Network (GMA) na ang pinaka-latest ay si Beauty Gonzales who was presented to the media and the public nung nakaraang Biyernes, June 11.

Bukod sa libu-libong mga kawani na nawala sa bakuran ng ABS-CBN, napakarami ring contract talents ang kanilang pinakawalan at umalis sa kanila.

Hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung tuloy ang paglipat sa GMA ng longtime partners na sina Direk Johnny Manahan (or Mr. M) at Mariole Alberto pero kung ito’y totoo, walang masama dahil nung isang taon pa umalis ang dalawa sa Lopez-owned company na kanilang pinagsilbihan ng maraming taon.

Kilalang businessman nag-invest sa ABS-CBN

GAANO kaya katotoo ang balitang nasagap namin na nag-infuse na umano ng malaking halaga ang businessman at dating politician na si Albee Benitez sa ABS-CBN?

Ang Brightlight Productions ni G. Benitez ang producer ng “Rated Korina” na napapanood sa TV5 pero ngayon ay napapanood na rin ito sa Kapamilya Channel at iba pang platform ng ABS-CBN. Ang mga entertainment programs naman ng Kapamilya Channel ay napapanood naman sa TV5 maging sa A2Z Channel 11.

Dahil sa pagpasok ni G. Benitez sa ABS-CBN, tiyak na marami pang ibang movements ang inaasahang magaganap.

Marami namang supporters ng ABS-CBN ang patuloy na umaasa na sana’y maibalik ang prangkisa ng TV network na ipinagkait noong isang taon ng 70 kongresista.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE