Chairman DEDO–Patay si Acting Brgy. Chairman Mario Cogay ng Brgy. Canlubang, Calamba City, Laguna matapos barilin sa labas ng kanyang bahay.

Acting brgy chair todas sa pamamaril

January 19, 2024 Gil Aman 316 views

BINARIL at napatay ng isa sa riding-in-tandem ang acting chairman ng Brgy. Canlubang, Calamba City na si Mario Cogay, 65, noong Biyernes.

Tatlong tama ng bala ang tinamo ng biktima sa kanyang katawan at ulo nang malapitang barilin ng hindi kilalang suspek gamit ang hindi mabatid na kalibre ng baril, ayon kay Calamba City Police chief P/Lt. Col. Milany Martirez.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:00 ng umaga ng dumating sa harapan ng bahay ang armadong suspek sakay ng motorsiklo.

Pagkakita sa biktima, mabilis itong pinaputukan ng tatlong beses na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Bukod sa pagiging acting barangay chairman, naghahanapbuhay ang biktima bilang tagahahakot ng basura.

Sinabi ng ilang nitong kapitbahay na nakaugalian na nitong lumabas ng madaling araw para mag exercise.

AUTHOR PROFILE