
Baron, tinanghal na Asia’s Most Versatile Actor of the Decade
SUNUD-SUNOD ang blessings na tinatanggap ng Viva Artists Agency talent na si Baron Geisler dahil matapos umani ng papuri ang latest project niya sa Netflix na Doll House, tinanghal naman siyang Asia’s Most Versatile Actor of the Decade ng 6th Asia-Pacific Luminare Awards.
Ang Asia Pacific Luminare Awards (APLA) ay isang organisasyon na nagbibigay parangal sa best of the best individuals at companies sa Asya, kabilang na rin ang industry titans, entertainment at cultural artists, corporate heroes, advocates ng planet and people.
Pinangungunahan ito ng aktor na si Jao Mapa, na tumatayong chairman ng nasabing award-giving body.
Nag-congratulate kay Baron, na isa sa cast members ng bagong action-drama series na The Iron Heart ng ABS-CBN, ang ilang mga kaibigan sa industriya gaya nina Candy Pangilinan, Karen Davila, Marissa Sanchez at iba pa.
Ang Asia-Pacific Luminare Awards ceremonies ay gaganapin sa November 23 sa Grand Ballroom ng Okada Manila.