Binoe

Ilang celebs, kanya-kanyang tweet sa lindol

July 27, 2022 Jun Nardo 490 views

ISA si Senator Robinhood Padilla sa mga napahangos sa labas ng Senado nang lumindol kahapon ng umaga.

Kanya-kanyang tweets naman ang ilang celebs upang paalalahanan ang mga tao na maging safe sa lindol.

Naglabas ng paalala si Councilor Alfred Vargas kung ano ang gagawin kapag may lindol.

“Maghanda, mag-ingat at magtulungan,” nakalagay sa paalala ni Councilor Vargas.

Naging maagap din ang GMA Network na pauuwiin ang kanilang mga empleyado kahapon.

Ang probinsya ng Abra at ilang kalapit-probinsiya ang nahagip ng lindol. Ipagdasal nating walang nasawi sa ilan nating kababayan dahil sa lindol.

GMA, WALANG OFFER KAY SARAH

MATITIGIL na sa pagkalat ng pekeng tsismis ang mga Marites ngayong nilinaw na ng Kapuso executive na si Lilybeth Rasonable na walang offer ang network kay Sarah Geronimo.

Kumalat ang tsismis sa paglipat ni SG sa GMA nang lumabas sa social media na lalabas siya sa ASAP para tutukan ng fans ang pagsulpot niya.

Pero video pala ng kanta niyang Duyan ang lumabas. Walang personal appearance ang Pop Star Royalty.

Natameme ang mga Marites sa paglilinaw na ito ni Rasonable.

AUTHOR PROFILE