Paolo

Kanta ng Pinoy composer kinanta ni V ng BTS

July 11, 2022 Aster Amoyo 722 views

Paolo1BTSBTS1BTS2

HINDI makapaniwala ang Universal Records artist, ang singer-composer na si Paolo Sandejas na trending ngayon ang kanyang kantang “Sorry” matapos itong isama at kantahin sa kanyang drive playlist ng international superstar na si Kim Tae-hyung na kilala as V ng popular South Korean boy band na BTS which was uploaded last Saturday, July 9.

Ni hindi na kailangan pang i-promote ni Paolo ang kanyang song na “Sorry” dahil well- promoted na ito worldwide ni V at kasama sa vlog series ng BTS for Bangtan TV YouTube channel.

Sobra itong ikinatuwa ng Filipino fans worldwide at ito’y nakaabot din sa Filipino Broadway star na si Lea Salonga na agad nagpaabot ng pagbati kay Paolo.

Para kay Paolo, napaka-surreal ng lahat dahil maging siya at ang kanyang kantang “Sorry” ay nakilala ng BTS ARMY worldwide.

Last June 26, Paolo was the only Filipino artist na naimbitahan sa Golden Melody Awards (GMA) na ginanap sa Taiwan.

Si V (Kim Tae-hyung) ay isa sa vocalists ng BTS along with Jin, Jimin at Jungkook habang sina Suga, J-Hope at RM naman ang rappers.

Ang BTS which stands for Bangtan Sonyeondan (meaning bullet proof) ay binigyan ng bagong brand meaning in 2017 at ginawang Beyond the Scene. The group was formed in South Korea in 2010.

PokwangPokwang1

Pokwang sinagot ang basher na nagsabing kinarma siya

NAG-REACT ang singer, actress-comedienne at entrepreneur na si Pokwang (Marietta Subong in real life) sa isang basher na nagpost na na-karma umano siya dahil nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama ng Amerikanong part-time actor na si Lee O’Brien pagkalipas ng pitong taon.

Ayon kay Pokwang, maayos umano silang naghiwalay ni Papang (Lee) at malaya rin nitong nadadalaw sa kanyang bahay ang kanilang anak na si Malia. They are also co-parenting their daughter since they got separated in November 2021.

Sinabi rin ni Pokwang, paano magiging karma ang sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya ngayon plus the joy of being a mother to two lovely daughters na sina Mae at Malia?

Si Mae ay anak ni Pokwang sa kanyang nakarelasyong Japanese national.

Samantala, matagal nang alam ng isa sa mga besties ni Pokwang na si K Brosas pero ngayon lang din siya nagsalita tungkol dito.

Next month ay may concert tour ang mag-bestie na sina Pokwang at KBrosas sa Amerika and they will be gone for two weeks.

Si K ay isa sa mga ninang ng bunso ni Pokwang na si Malia.

Nadine

Nadine may bagong pelikula

NADINE Lustre is soon to start filming her new movie under Viva Films, ang “Deleter,” isang suspense-thriller movie na pamamahalaan ni Mikhail Red. Makakasama ng singer-actress sa movie sina Louise de los Reyes at McCoy de Leon at iba pa.

Huling napanood si Nadine sa kanyang first Vivamax movie, ang isa ring suspense-thriller movie na “Greed” na pinagtambalan nila ni Diego Loyzaga at pinamahalaan ni Yam Laranas.

Si Direk Mikhail ay kilala sa mga suspense-thriller movies tulad ng“Birdshot” in 2016, “Eerie” in 2019. On the same year ay ginawa rin niya ang “Dead Kids,” ang kauna-unahang Filipino film na ipinalabas sa Netflix.

KristaKrista1

Krista muling ikinasal kay Nino

MATAPOS ikasal sa isang intimate inter-faith Jewish wedding nung August 8, 2010 ang dating Kapuso a and now L.A.-based actress na si Krista Ranillo at ang kanyang Filipino-Chinese businessman husband na si Jefferson `Nino’ Lim, may-ari ng Island Pacific Supermarkets chain sa America (mostly in California, USA), muling nagpakasal ang mag-asawa after 12 years of marriage, this time sa St. Kateri Tekakwitha Catholic Church in Santa Clarita, California, USA nung July 9.

Ang actor father ni Krista na si Mat Ranillo III ang naghatid sa kanya sa altar habang kasama naman ni Nino ang kanyang ina. Nagkaroon din ng papel ang kanilang limang anak na sina Nate (11), Nolan (10), Natalia (7), Nash (6) at Nyles (3) sa wedding ceremony.Si Donita Rose naman ang nag-host. Ang dating MTV VJ at actress ay nagta-trabaho mismo sa isang branch ng Island Pacific Supermarket along with former actress G Toengi.

Krista is a hands-on mom sa kanilang limang anak ni Nino.

Cam girl story na ‘Kitty K7,’ maayos ang pagkakagawa

BASED on true-to-life story ng isang cam girl at live performer na si Salome Salvi ang “Kitty K7” na pinagbibidahan ng dating Pop Girls member na si Rose Van Ginkel kasama ang Fil-Italian ex-PBB teen housemate-turned actor na si Marco Gallo na dinirek ni Joy Aquino and produced for Vivamax ng engaged couple na sina Direk Dan Villegas at Direk Antoinette Jadaone. Streaming na ang nasabing sexy movie on Vivamax since July 8.

Personal na na-interview ng writer na si Pam Miras at ni Direk Joy si Salome at naroon din si Rose Van na nanood pa ng `live performance’ ni Salome para ma-absorb din niya ang character nito na kanyang gagampanan sa pelikula.

Sa halip na husgahan ay respeto ang naramdaman ni Rose Van kay Salome na nagi-enjoy naman sa kanyang trabaho bilang cam girl. Para kay Salome, ang kanyang pagiging cam girl is a form of art at propesyun. Bukod sa nagi-enjoy umano siya sa kanyang ginagawa ay dito umano siya kumikita.

Although may pagka-erotic ang “Kitty K7,” maganda ang pagkakalahad ng istorya at pagkakagawa ng pelikula ni Direk Joy, gayundin ang pagkakaganap ni Rose Van ng character ni Salome.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE