Glaiza1

Kasal nina Glaiza at David sa Pilipinas inihahanda na

March 2, 2022 Aster Amoyo 685 views

GlaizaMASAYA ang Kapuso singer-actress na si Glaiza de Castro dahil nasa bansa ngayon ang kanyang Irish husband na si David Rainey. The couple got married in Northern Ireland, United Kingdom sa hometown mismo ni David nung October 12, 2021 but it was only last February 13, 2022 nang ilabas ang exclusive interview kay Glaiza tungkol dito sa programa ni Jessica Soho sa GMA, ang “Kapuso Mo, Jessica Soho”.

It was an intimate cold wedding na dinaluhan ng immediate members of the family and close friends ni David pero wala roon ang family ng singer-actress dahil sa travel restrictions. Hindi rin sila nagpalitan ng singsing dahil gusto ni Glaiza na mangyari ito sa kanilang church wedding in the Philippines na malamang sa isang taon na ganapin pero inaasahan pa rin ang pagdalo ng pamilya at mga close na kaibigan ni David na bibyahe ng Pilipinas for the very first time. Dito rin lang magkikita-kita ang respective families and friends ng bagong mag-asawa.

Kahit may asawa na si Glaiza at taga-Ireland ang kanyang mister, hindi umano ito nangangahulugan na iiwan na niya ang kanyang showbiz career sa Pilipinas. Magpapatuloy umano ang kanyang singing and acting career. Plano rin umano ng couple na magtayo ng business dito sa Pilipinas kaya hindi kataka-taka kung si David naman ang mag-settle sa bansa.

It was in January 2018 nang magkakilala sina Glaiza at David sa Siargao Island. Glaiza was there for her birthday celebration at turista naman si David. Musika ang naging tulay ng dalawa. Ang chance meet-up nina Glaiza at David ay nasundan ng kanilang constant communication kahit nakabalik na sa Ireland ang huli hanggang opisyal silang naging magkasintahan nung September 2018.

On February 2020, dumating sa Pilipinas si David ay sila’y nagtungo sa resthouse ni Glaiza sa Baler, Quezon kasama ang parents ng singer-actress. Nasa Baler sila nang magka-lockdown kaya na-extend ang kanilang bakasyon sa Baler at maraming natutunan at naging kaibigan na locals doon si David. It was only in May 2020 nang makabalik sa kanyang bansa si David. Dahil sa travel restrictions, hindi makabalik ng Pilipinas ang husband ni Glaiza kaya siya na ang lumipad papuntang Ireland. Habang siya’y naroon, nag-propose sa kanya si David on December 2020. At sa huling pagbabalik ng Ireland ni Glaiza nung isang taon ay ikinasal sila roon ni David.

Ngayong nasa bansa si David, mas mapapadali ng couple ang preparasyon nila ni Glaiza for their church wedding na rito sa Pilipinas gaganapin with both parties in attendance.

Samantala, first public appearance as a couple nina Glaiza at David ang kanilang pagdalo sa 6th Film Ambassadors’ Night (FAN) ng Film Development Council of the Philippines last Sunday, February 27 na ginanap sa newly-renovated Metropolitan Theater, isa sa mga landmark ng Maynila.

Si Glaiza ay isa sa recipients ng award nung gabing `yun.

AngelineAngeline ayaw pa ring ipakilala ang ama ng anak

BABY boy ang magiging unang supling ng singer-actress na si Angeline Quinto sa kanyang non-showbiz partner na nakatakdang isilang sa April.

Nasa 31st week na ang pagbubuntis ni Angeline na ngayon pa lamang ay super excited nang makita at mayakap ang kanyang first baby.

Samantala, hanggang ngayon ay ayaw pa rin i-share ni Angeline ang pangalan ng kanyang non-showbiz partner na kanyang nakilala sa pamamagitan ng boyfriend ng kanyang kaibigan.

First baby nina Ellen at Derek, made in Africa?

DOUBLE treat ang purpose ng honeymoon ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna dahil kasama ng celebrity couple ang more than three-year-son ng actress na si Elias Modesto sa dati nitong nobyo na si John Lloyd Cruz.

The couple and Elias are currently in Tanzania, eastern part of Africa kung saan matatagpuan ang Serengeti National Park, ang safari mecca kung saan naroon ang mga wild animals tulad ng elephants, lion, rhino, leopard, buffalo at iba pang hayop, ang Kilimanjaro National Park at iba pang magagandang tanawin.

Super enjoy ang mag-asawa maging si Elias.

Made in Africa kaya ang magiging unang baby nina Derek at Ellen?

JoshuaJoshua tatlo ang pinagpipiliang maging GF

TATLONG naggagandahang babae ang puwedeng pagpilian ng ex-PBB housemate-turned actor na si Joshua Garcia kung nanaisin nitong magkaroon ng bagong girlfriend. Ang mga ito ay sina Ivana Alawi, Jane de Leon at Charlie Dizon.

Crush ni Ivana si Joshua at magkaibigan na ngayon ang dalawa. Leading lady naman ni Joshua si Jane sa “Darna: The TV Series” at kapareha naman ng actor si Charlie sa tumatakbong primetime hit TV series na “Viral Scandal”. Pero hinihintay lamang ng actor kung kanino sa tatlo titibok ang kanyang puso.

Smantala, Joshua is reunited with Kapamilya singer-actress Janelle Salvador sa “Darna” project. Ang dalawa ay unang nagkatrabaho sa primetime TV series na “The Killer Bride” in 2019 na nagtapos nung January 2020. Si Joshua ang love interest ni Jane habang si Janella naman ang primera contravida sa serye playing the role of Valentina.

Although inamin noon ni Joshua na crush umano niya si Janella, hindi na ito puwede ngayon dahil meron nang Markus Paterson ang singer-actress at meron na rin silang more than one-year-old son na si Jude Trevor.

Enzo, Michelle for keeps na?

MUKHANG for keeps na ang relasyong namamagitan ngayon sa pagitan ng magkasintahang Kapamilya actors na sina Enzo Pineda (31) at Michelle Vito (24) who recently celebrated their second anniversary bilang magkasintahan .

Kung kakatigan ng Diyos ang kanyang plano, gusto ng ng actor at Philippine Marine reservist na si Enzo na si Michelle na ang kanyang makasama habambuhay.

Ang aktres umano ang nagsisilbi niyang inspirasyon sa buhay.

Although dating Kapuso actor si Enzo, magkasama na sila ngayon ni Michelle sa bakuran ng Star Magic ng ABS-CBN.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE