Pjgma

Aberya sa kasalang Carla-Tom, binuking ni PJ

October 30, 2021 Ian F. Fariñas 306 views

ISA si Rey “PJ” Abellana, ama ng bagong kasal na si Carla Abellana, sa support cast ng Kapuso primetime drama na I Left My Heart in Sorsogon na humarap sa isang online mediacon recently.

Dahil nga katatapos lang ng Carla-Tom Rodriguez wedding, kinumusta ng showbiz press si Rey tungkol dito.

Aniya, unang-una ay masaya siya na nakapag-asawa na ang kanyang anak sa dati ring aktres na si Rhea Reyes.

“First, happy tayo, satisfied tayo. Mainly ako, kabisado ko, siyempre, ‘yung anak ko. Alam ko ‘yung choice niya, alam ko ang mga desisyon niya. Very positive naman with everything. We are very happy and welcome talaga si Tom sa aming pamilya,” bungad ni Rey.

Nagkaroon lang daw ng ilang aberya na hindi inaasahan dahil sa pandemya.

Kwento ng aktor, “In spite of everything, kailangan pa i-relocate ‘yung wedding, ‘yung reception, ‘yung venue… up to the last minute because of the pandemic. Napalayo pa lalo ‘yung pangalawang venue sa original venue na supposedly sa Tagaytay lamang.

“It turned out very smooth, very successful, very happy, enjoy and very memorable. So, salamat naman sa Diyos at naitawid ang lahat ng successful,” dugtong pa niya.

Nang tanungin kung unang apo niya ang magiging anak nina Carla at Tom, sagot ni Rey, hindi dahil meron na siyang tatlong apo sa ate ng aktres.

Wala rin daw siyang maibibilin kay Tom tungkol sa pagkakaroon ng anak kundi, “Honestly, nasa plano nila ‘yan. Nasa choice nila ‘yan. I want them to have a happy and successful and loving and forever family. I’m just hoping na it will last forever. Kagaya ng mga vow sa weddings, ‘Til Death Do You Part.’”

Anyway, gagampanan ni Rey ang papel bilang ama ng bidang si Heart Evangelista sa I Left My Heart in Sorsogon na mapapanood na sa November 15 sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE