
Michelle mas marami na ang natutulungan
PHILIPPINE Red Cross ambassador na rin si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee.
Natuwa si Michelle dahil mas marami pa siyang matutulungan na kababayan natin.
Kasama na ang PH Red Cross sa kanyang advocacy tulad ng kanyang pagsuporta sa autism awareness. Dalawa sa kapatid ni Dee sa inang si Melanie Marquez ay may autism spectrum.
Kelan lang ay dumalo si Dee sa annual Angels Walk for Autism organized by the Autism Society Philippines.
At bilang bisexual woman, tumutulong din si Dee sa LGBTQIA+ community. Sinusuportahan niya ang annual na Miss Universe Pride Month celebrations na organized ng American Embassy and LoveYourselfPH.
Nash at Mika forever na ang relasyon
IKINASAL na ang mga dating child stars na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz.
Sa kaniyang Instagram, nagbahagi si Mika ng isang larawan mula sa araw ng kanilang kasal na may hashtag na #NASHakanyanasiMIKA, kung saan makikita siyang nakatayo sa isang aisle.
“Walking towards my God-sent, my Love, and my forever,” caption ni Mika.
Suot ni Mika ang isang gown mula sa fashion designer na si Julianne Syjuco.
Nakatanggap din sina Nash at Mika ng pagbati mula sa kanilang mga kaanak at kaibigan sa showbiz.
“I love you soooooo much beautiful bride,” komento ng ate ni Mika na si Angelika dela Cruz.
“Omg Mikaaaa i know you’ve been waiting for this day. I’m so so so happy for you and Nash!!! you deserve all the love and happiness. Congratulations, beautiful couple!” comment naman ni Gabbi Garcia.
“Omg congrats Mika!!!! Congrats to the both of you,” pagbati ni Jasmine Curtis-Smith.
Kinumpirma nina Nash at Mika ang kanilang relasyon noong 2018.
Si Mika ay nakababatang kapatid ng actress-turned-politician na si Angelika dela Cruz. Si Nash naman ay nanalo sa Star Circle Kids Quest noong 2004. Unang nagkasama ang dalawa sa Goin’ Bulilit sa ABS-CBN 2.
Chris inaming hindi siya ‘perfect man’
BAGO maging TV host, isa sa mga mahusay at guwapong basketball player si Chris Tiu.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” tinanong si Chris kung totoo ang kasabihang “kapag basketbolista, matinik sa babae.”
“Torpe ako eh, hindi ako marunong dumiskarte,” saad ni Chris.
Natanong din si Chris kung lapitin ba siya ng mga babae.
“Parang hindi naman eh, bakit hindi ko naramdaman ‘yun? May konti, a few,” tawa pa niya.
Ayon kay Chris, sinasabi niya sa mga babae na kumakausap sa kaniya noon na may nobya na siya.
“But I think they don’t gravitate towards me if parang feel nila hindi rin ako ‘yung type that will entertain siguro,” saad ng “iBilib” host.
Ayon kay Chris, dini-dedma niya na lamang ang mga ito kung namimilit na at hindi na niya papansinin.
Taliwas din sa pananaw ng ilan na malapit si Chris sa konsepto ng isang “perfect man,” sinabi niyang hindi iyon totoo at may mga pagkakamali rin siyang nagagawa.
“I don’t know if it’s good that they think of me that way, but ako personally, I’m far from that. And I’m constantly trying to improve and to get better. Marami akong faults, flaws and things that I’m working on and struggling with. I’m not sure if I want people to think I’m perfect because I’m far from that. But I guess, thank you.”
Naglaro si Chris para sa Ateneo Blue Eagles. Noong 2012, sumali siya sa 2012 PBA Rookie Draft at nakuhang maglaro para sa Rain or Shine Elasto Painters.
Inanunsyo niya ang pagreretiro sa kaniyang basketball journey noong Enero 2019.