Guess

Demanding na beauty queen laglag sa endorsement

May 8, 2024 Jun Nardo 266 views

LAGLAG na naman ang isang beauty queen na balak sanang kuning endorser ng isang kilalang hair product, huh!

Makakasama sana ng beauty queen ang kapwa niya beauty queens.

Eh, dahil maraming hinihinging demands, pinalitan na lang siya ng isang kilalang aktres.

Laging ganyan ang reklamo sa beauty queen kapag kinukuha sa endorsement, huh!

Mula ulo hanggang paa na demands, kailangang ibigay sa kanya or else, hindi niya ito tatanggapin.

Eh, nabuwisit ang kumukuha sa beauty queen kaya hindi na siya binalikan para pag-aksayahan ng panahon, huh!

PAHULAANG BINUKING!

MAY pahulaan pa sa social media ng GMA Network tungkol sa isang aktor na Kapuso forever ang turing.

Walang clue sa art card na inilabas basta abangan ang streaming nito ngayong araw sa social media ng GMA.

Pero hula ng netizens sa comments section, muling pipirma ng kontrata si Dingdong Dantes sa home network niya.

Eh, sa entertainment segment ng Balitanghali kahapon, iniulat agad ni Aubrey Carampel na magre-renew si Dingdong ng kontrata sa GMA.

May pahulaan pero buking agad huh!

AUTHOR PROFILE