Angeline

Angeline dedma sa pamamansin ng netizens sa ‘baby bump’

May 4, 2024 Vinia Vivar 324 views

Hindi pa nagsasalita si Angeline Quinto tungkol sa tsikang pregnant siya ngayon sa second baby nila ng mister na si Nonrev Daquina pero pinagpipistahan na ng netizens ang kanyang ‘baby bump’ sa kanyang latest post.

Sa isang promotional video na ipinost ni Angeline sa Instagram, kapansin-pansin na may ‘baby bump’ sa kanyang tummy na hindi nakaligtas sa mata ng netizens.

Kaya naman kumbinsido sila na preggy nga ang singer at binati na nila ito.

Narito ang ilan sa kanilang comments:

“Angeline, your baby bump is showing, wow. Praying for your healthy and safe pregnancy. God bless. ❤️ and greetings from 🇬🇧.”

“Gandang buntis😍😍😍.”

“@loveangelinequinto love you Bhe excited na sa pangalawa sana Girl para Sylvia.”

“I think it’s a Baby girl kasi very blooming si Angeline.”

“Ay wow may baby # 2 congratulations.”

Tahimik lang si Angeline sa lahat ng komentong ito ng netizens at hindi siya sumasagot.

AUTHOR PROFILE