
Kelot binoga na, grinipuhan pa, dedo
PATAY ang isang 37-anyos na lalaki matapos pagbabarilin at pagsasaksakin ng dalawang nakatakas na suspek sa corner ng Muelle Dela Industria St. at San Miguel Road sa Binondo, Maynila noong Martes.
Ayon sa report, nakatakbo pa ang biktima papalayo nang barilin ng mga suspek pero sinundan pa rin ng mga salarin ng sunod-sunod na putok at saka pinagsasaksak sa nasabing lugar..
Nakilala ang biktima na si Reggie Aregado ng Delpan St., Binondo.
Mabilis nakaeskapo ang mga suspek pero nakilala ang isa na si Alfonso Contreras ng Tondo, Manila.
Base sa ulat ni Det. Boy Nino Baladjay ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 1:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente.
Sa imbestigasyon ng MPD-Homicide Section sa ilalim ni PCapt. Dennis Turla, chief ng Homicide Section, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa nabanggit na street nang dumating ang dalawang suspek sakay ng tricycle.
Biglang bumaba ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima nagawa ng makatakbo palayo pero sinundan pa ni Contreras at saka pinag-uundayan ng saksak.
Naisugod pa ang biktima sa Justice Abad Santos General Hospital pero dakong 1:42 ng madaling araw idineklara na dead- on-arrival ni Dr. Crisanto Tomones, ang attending physician.