Posas

2 suspek timbog sa shabu, baril sa Antipolo

October 9, 2023 Jojo C. Magsombol 369 views

KAMPO HENERAL LICERIO I. GERONIMO, Taytay, Rizal–Dalawang hinihinalang tulak ng shabu ang inaresto ng mga pulis sa Bgy. Dalig at Cupang, Antipolo noong Sabado at Linggo.

Ayon sa report ni Acting Rizal Provincial Director Col. Rainero M. De Chavez kay acting Police Regional Office 4-A (Calabarzon) Director Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas na-recover sa unang naaresto ang isang kalibre .45 pistol, magazine, limang bala, apat na sachet ng shabu na tinatayang nasa 3.3 gramo na nagkakahalaga ng P22,440 at buy-bust money.

Nahuli ang unang suspek bandang 9:32 ng gabi ng Oktubre 7, 2023 sa Bgy. Dalig, Antipolo City, ayon sa mga pulis.

Narekober naman sa pangalawang suspek, na naaresto rin ng mga pulis bandang 12:14 ng umaga ng Oktubre 8 sa Bgy. Cupang, ang isang kalibre .32 pistol, isang magazine, apat na pirasong bala, buy-bust money at anim na plastic sachet na may laman na shabu.

AUTHOR PROFILE