
Da King FPJ, nananatiling inspirasyon mula noon hanggang ngayon — Coco Martin
Kasabay ng pagdiriwang ng kaarawan ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. ngayong August 20 ang unveiling ceremony para pangalanang Fernando Poe Jr. (FPJ) Station ang LRT Roosevelt Station sa Quezon City.
Ipinost ng anak ni Da King na si Sen. Grace Poe sa Instagram ang mga larawan sa naganap na ceremony na dinaluhan din nina Sen. Lito Lapid at former Senate President Tito Sotto.
Naroroon din si Coco Martin na nag-post din sa Instagram ng mga larawan sa naturang event.
“Sa bawat pasaherong bababa at sasakay sa FPJ Station, sana ay maalala ninyo ang puso ni Da King para sa masang Pilipino.
“Isang hamon para sa DOTr at LRTA ang pagbibigay ng maayos at komportableng byahe ay isang paraan ng pagbibigay-pugay sa kanyang legasiya,” ang pahayag ni Sen. Grace.
Caption naman ni Coco Martin sa kanyang post, “Isang pag-alala at pagpupugay sa nagiisang Da King, Fernando Poe Jr.”
Sa isang larawan namang ipinost ni Coco, he wrote, “Maligayang Kaarawan Da King, Mananatili kang inspirasyon para sa akin, mula noon hanggang ngayon. Mananatiling buhay ang lahat ng iyong obra sa puso’t isipan ng bawat Pilipino!”
Ipinanganak si FPJ noong Agosto 20, 1939 at pumanaw noong Dec. 14, 2004. Dati siyang tumira sa Roosevelt, Quezon City.
In his 46 years in show business ay nakagawa siya ng humigit-kumulang 300 movies.
He was posthumously declared National Artist for Film in 2006 (accepted by his family in 2012).