Vice1

KIM, NA-STARSTRUCK KAY MICHAEL V

August 20, 2023 Vinia Vivar 269 views

Hindi makapaniwala si Kim Chiu na darating ang araw na mami-meet niya in person ang nag-iisang Michael V.

Guest nga si Bitoy for the first time sa It’s Showtime last Saturday para sa birthday celebration ng kaibigan at matagal niyang nakasama sa GMA-7 na si Ogie.

Sa X (dating Twitter) account ni Kim ay ipinahayag niya ang katuwaan na ma-meet si Bitoy.

Aniya, bata pa lang siya ay napapanood na niya ito sa telebisyon.

“Grabe di ako makapaniwala nakita ko sa BITOY! Nong bata ako akala ko talaga sha ang may ari ng JOY!!!! happy birthday sir @ogiealcasid welcome po sa showtime sir Michael V and ms Manilyn,” ang tweet ni Kim.

Ang “Joy” na tinutukoy ni Chinita Princess ay ang dishwashing liquid na matagal nang ini-endorse ni Michael V. at talaga namang nagmarka nang husto sa mga tao ang kanyang mga commercial noon ng nasabing produkto.

Aside from Bitoy ay guest din for the first time sa It’s Showtime si Manilyn Reynes para batiin si Ogie na matagal na rin niyang kaibigan at dating nakapareha.

AUTHOR PROFILE