Queendom

‘AOS’ divas, bibida sa sariling concert

August 11, 2023 Vinia Vivar 420 views

Hindi na lang sa telebisyon mapapanood ang mga vocal diva ng All-Out Sundays (AOS) na sina Julie Anne San Jose, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Prescillas at Rita Daniela dahil magkakaroon sila ng sarili nilang live concert – ang Queendom: Live.

Gaganapin ito sa December 2 sa Newport Performing Arts Theater, Newport World Resorts, Pasay City.

Last Sunday nga sa AOS ni-reveal ang good news na ito at simula sa August 14, pwede nang bumili ng ticket exclusively sa www.gmanetwork.com/synergy at ticketworld.com.ph.

For sure, patok ito sa fans at concert enthusiasts dahil ito ang first-ever live concert ng mga hinahangaang divas.

Matagal na itong hinihintay ng fans nina Julie, Jessica, Thea, Mariane, Hannah at Rita na laging inaabangan ang performances nila sa Queendom segment sa noontime show.

Knowing GMA, marami na namang pasabog at exciting surprises ang ihinahanda nila para rito.

Gaya ng award-winning Limitless: A Musical Trilogy ni Julie, siguradong engrande at world class ang production nito.

Kaya naman huwag nang magdalawang-isip pa — save the date at bumili na ng ticket bago pa magkaubusan.

AUTHOR PROFILE