
3 nahulihan ng P2.3M shabu sa Pagadian City
ARESTADO ang tatlong lalaki makaraang mahulihan ng P2.3 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation na ikinasa ng mga awtoridad sa sa Pagadian City.
Ang mga nadakip na suspek ay pawang mga residente ng Maranding, Lanao del Sur.
Batay sa ulat ng Police Regiona Office (PRO) 9, naganap ang operasyon sa isang hotel na matatagpuan sa Purok Sampaguita, Barangay San Pedro, Pagadian City nitong Martes, Mayo 2.
Ayon sa ulat, hindi na nakapalag ang mga suspek nang posasan ang mga ito matapos na iabot ang 300 gramo ng shabu sa poseur buyer.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 sa piskalya ng lalawigan.