
Daisy ibinahagi ang mga pinagdaanang hirap
NASAAN na ang dating beauty queen at singer-actress na si Daisy Reyes at ano ang pinagkakaabalahan nito ngayon?
Si Daisy ay huling napanood in 2015 sa action-drama TV series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin. Since then ay wala nang gaanong balita tungkol sa kanya.
But unknown to many, Daisy is leading a beautiful life with her lawyer-coach and businessman husband na si Atty. Barry Tobias with daughter Gabrielle (from a previous relationship). She is also a successful entrepreneur. She owns her own beauty salon and beauty products line.
A God-centered person, the former beauty queen admits that she is blessed to have found a perfect partner sa kanyang mister nasi Atty. Barry and a loving daughter na si Gabrielle who is currently studying at the University of Notre Dame in Indiana, USA.
In our exclusive interview with Daisy sa aming online show, “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel, inamin nito na dalawang beses siyang nagka-miscarriage sa magiging anak sana nila ng kanyang mister.
She was already pregnant sa kanilang magiging first baby when they got married on February 27, 2019 na ginanapsa Antonio’s in Tagaytay City. Pero ang nakakalungkot, she had a miscarriage na naulit the following year.
“There is always a reason for everything,” aniya.
“May ibang planosi Lord para sa amin,” dugtong pa niya.
Daisy met her husband back in August 2016 through a common friend after a golf tournament. Hindi niya ikinakaila that when she prays ay specific umano siya sa kanyang hinihiling sa Diyos at si Atty. Barry ang kasagutan sa kanyang dasal.
She was a single mom before she met her husband. Ang anak niyang si Gabrielle ay anak niya sa isang prominent businessman at dating politician.
Being raised singlehandedly by her mother, natutunan din niyang palakihin ang anak by herself sa tulong ng kanyang ina.
Hindi ikinakaila ni Daisy na siya’y nagmula sa isang mahirap na pamilya. Ang kanyang ina ay nagtatrabaho noon sa isang pabrika kaya ang kanyang maternal grandfather ang nag-alaga sa kanya habang nasa trabaho ang ina. Wala siyang kinalakhang ama.
As a young girl, tumulong siya sa kanyang lolo na mangolekta ng kaning-baboy sa mga kapitbahay para sa kanilang mga alagang baboy. She was about 12 or thirteen ay nagging bahagi na siya ng DZRH’s Fiesta Caravan team ng yumaong broadcaster na si Ric Radam kaya exposed siya sa iba’t ibang fiesta bilang singer-performer.
She was 15 years old nang siya’y sumali sa Modcerinas de Manila pageant and a year later ay naging contestant siya sa “Beautiful Girl” segment ng noontime program na “Eat Bulaga” but failed to make it to the finals. While in college sa Arellano University, sumali rin siya sa Miss Manila beauty competition where she placed 2nd runner up.
Nung 1995, she joined Mutya ng Pilipinas kung saan siya ang nanalong 2nd runner up at nakapag-uwi ng special award for “Miss Friendship”. Siya rin ang nagging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Expo International in Ecuador.
At nung 1996, sumali naman siya sa Bb. Pilipinas beauty pageant and finally got the crown of Bb. Pilipinas-World. Siya ang nagging kinatawan ng Pilipinas sa Miss World competition na ginanap sa India at dalawang special awards ang kanyang naiuwi, Best in Long Gown and Miss Personality (voted by her 88 co-candidates).
Hindi ikinakaila ni Daisy na dumanas siya ng katakut-takot na panlalait mula sa maraming tao when she won Bb. Pilipinas dahil hindi umano niya deserve ang ito.
Her joining the pageantry was not easy dahil kaakibat nito ang iba’t ibang challenges at kasama na rito ang bullying kaya nakaranas umano siya ng depression. At dumating pa umano siya sa point na naging suicidal na siya.
“But God is Good,” aniya.
After her Bb. Pilipinas stint ay pinasok niya ang showbiz sa tulong ng kanyang talent manager na si Lolit Solis.
Out of her ten-year stay in showbiz ay nakagawa siya ng almost 30 movies, several TV series and recorded two albums under Dyna Records.
Hindi man busy ngayon si Daisy sa kanyang showbiz career, pinagkakaabalahan naman niya ang kanyang sariling business at tumutulong din siya sa negosyo ng kanyang husband who is into build-and sell construction business.
JM ipinakita ang pagiging propesyonal
IPINAKITA ng Kapamilya singer-actor na si JM de Guzman ang kanyang professionalism sa kanyang trabaho nang ito’y dumalo sa press conference ng kanyang upcoming movie na “Adik sa `Yo” with former beauty queen-turned Viva sexy actress na si Cindy Miranda kahit may sinat at masama ang pakiramdam nito.
Four a.m. na umano siya natapos sa kanyang taping pero dahil natanguan na niya ang presscon ay dumalo siya kahit hindi na maganda ang kanyang pakiramdam.
The movie “Adik sa `Yo” ay isang romance-drama mula sa panulat ni Mel Mendoza-del Rosario at pinamahalaan ng box office director na si Nuel Naval under Viva Films at nakatakdang mapanood sa mga sinehan ngayong April 19.
JM plays the role of Paulo in the movie, a drug addict na in and out of rehab for years habang ginagampanan naman ni Cindy ang role ni Joy, ang babaeng addict sa kanyang pagmamahjal kay Paulo who is her best friend.
Being a drug dependent before at sumailalim din ng rehab, it was a natural acting for the good actor sa napakagandang kuwento ng “Adik sa `Yo”.
Although matagal nang tinalikuran ni JM ang droga, hindi nito ikinakaila na naroon pa rin ang stigma ng dati niyang bisyo na parati pa ring nauungkat sa tuwing siya’y humaharap sa media.
Nasasaktan man o di kaya nao-offend sa mga personal napaulit-ulit na tanong sa kanya, tinatanggap na lamang niya ito bilang bahagi ng pagiging actor.
Marami naman ang naniniwala na malaki ang naitulong kay JM bilang actor ng kanyang mga pinagdaanan dahil mas naging mahusay siya sa kanyang craft. Marami siyang pinaghuhugutan.
Cindy gustong makilala bilang mahusay na aktres
NAGPAPASALAMAT ang dating beauty queen-turned actress nasi Cindy Miranda sa Viva dahil sa opportunity na makatrabaho sa pelikulang ‘Adik sa ‘Yo’ si JM de Guzman na isa sa mga hinahangaan niyang actor.
“May pagka-introvert siya,” description ni Cindy kay JM.
“Tahimik lang pero ibang-iba siya kapag nasa harap ng camera,” dugtong pa niya.
Although nagsimula si Cindy sa paggawa ng mga sexy film sa Viva, unti-unti na rin siyang isinasalang ng kanyang home studio sa iba’t ibang genre without her needing to bare.
“Goal ko ang makilala bilang isang mahusay na aktres,” pahayag ni Cindy.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.