APAG

Summer Metro Manila filmfest gumawa ng kasaysayan

April 12, 2023 Aster Amoyo 1118 views

APAG1APAG2APAG7APAG8INTERNATIONALLY acclaimed screenwriter and filmmaker Rodolfo R. Lana, Jr. popularly known as Jun Robles Lana made history as the very first Best Director awardee for the movie “About Us But Not About Us” in the inaugural Summer Metro Manila Film Festival awards night held at the New Frontier Theater last Tuesday evening, April 11.

Lana’s helmed movie also took home nine major awards which include the festival’s Best Picture, Best Actor (for RomnickSarmenta), Best Screenplay, Best Cinematography, Best Editing, Best Production Design, Best Musical Score, Best Sound Design and Special Jury Prize for Elijah Canlas.

Gumawa rin ng kasaysayan ang actress, TV personality and impersonator na si KaladKaren (Jervi Li in real life) being the very first transwoman to win Best Supporting Actress for the comedy movie “Here Comes the Groom”na nanalong 3rd Best Picture and Special Jury Orize siya ring nagpapanalo kay Keempee de Leon bilang Best Supporting Actor.

Ang Brillante Mendoza helmed movie na “Apag” received two awards – Best Actress for Gladys Reyes and Best Original Theme song “Paralaya” by Andy Alviz.

Ang pelikulang “Love You Long Time” ang nanalong Best Float during the Parade of Stars.

Ang kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival ay nagsimula nung Black Saturday, April 8 at magtatapos sa darating na Martes, April 18.

Isang araw pagkatapos ng SMMFF ay doon lamang maglalabas ng official ranking and figures kung alin sa walong official entries ang nanguna at nangulelat sa takilya.

Samantala, ang internationally acclaimed actress na si Dolly de Leon ang siyang tumayong chairperson of the special jury ng 1st Summer Metro Manila Film Festival (SMFF). Kasama rin sa jury ang People’s Journal columnist na si Mario Bautista.

Gladys hindi gaanong inasahan ang panalo

APAG4MAGHANDA ka ng ng gown mo,” ito ang mga katagang binitiwan ng kauna-unahang Filipino Cannes’ Best Actress awardee na si Jaclyn Jose sa actress-host na si Gladys Reyes during the media press conference ng pelikulang “Apag” na dinirek at prinudyos ni Brillante Mendoza. Ang mga sinabi ni Jaclyn ay tumagos sa puso ng `La Primera Contravida’ na sa kauna-unahang pagkakataon ay ginawang bida ni Direk Brillante sa pelikulang “Apag” along with Coco Martin.

Although hindi gaanong umasa si Gladys na siya ang mananalong Best Actress, nagsilbing inspirasyon sa kanya ang mga binitawang salita ni Jaclyn.

“Working with Direk Brillante was already an honor at ang makatrabaho sina Coco (Martin), Jaclyn and the rest of the cast ay isang malaking karangalan para sa akin,” pahayag ng misis ng actor na si Christopher Roxas.

“Hinding-hindi ko makakalimutan ang experience na ito,” dagdag pa niya.

Kahit associatedsi Gladys sa mga contravida roles, pinagkatiwalaan pa rin siya ni Direk Brillante na maging lead actress ng “Apag”.

Ang recent win bilang Best Actress ni Gladys ay karagdagan sa dalawang nauna niyang parangal, ang Best Actress trophy mula sa PMPC Star Awards for Television para sa kanyang role sa “Saan Ka Man Naroroon” at sa kanyang Best Supporting plum mula sa38th Gawad Urian para sa pelikulang “Magkakabaung”.

Ang kanyang pagkakapanalo ng Best Actress award sa kauna-unahang Summer Film Festival ay isang patunay na kaya niyang balansehin ang pagiging actress at hands-on wife at ina sa kanilang apat na anak ni Christopher Roxas (Jean Christopher Sommereux) at bilang isang successful entrepreneur with her husband.

Si Gladys ay isa rin sa mga miyembro ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na pinamumunuan ngayon ni Lala Sotto (Diorella Maria Sotto-Antonio), panganay na anak ni dating Senate President, singer-songwriter, actor-comedian at host nasi Tito Sotto at misisnitong veteran singer-actress nasi Helen Gamboa,

‘About Us But Not About Us’ patuloy ang pagkilala

AwardAwardAwardANG pelikulang “About Us But Not About Us” mula sa panulat at pamamahala ng premyadong writer-drector na si Jun Robles Lana ay nanalong Best Film in the Critics’ Pick Competition sa taunang festival in Northern Europe, ang 26th Tallin Black Nights Film Festival.

Tiyak na patuloy na mag-iikot sa iba’t ibang international film festivals ang pelikulang pinagbibidahan nina Romnick Sarmenta at Elijah Canlas matapos nitong maiuwi ang sampung major awards sa katatapos pa lamang na Gabi ng Parangal ng kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival.

Although hindi parehong crowd drawers ang dalawang lead actors, hindi kami magtataka kung ang pelikulang “About Us But Not About Us” ang manguna sa takilya sa tumatakbong Summer Metro Manila Film Festival.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo. Photos: Cinema Bravo

AUTHOR PROFILE