
Kylie, nagsalita tungkol sa depression at anxiety
WALA nang arte-arte pa si Kylie Padilla nang sabihin niyang director niya sa movie na Unravel with Gerald Anderson na magkakaroon siya ng kissing scene sa kanyang leading man.
“Noong sinabi sa akin ni Direk ang eksenang ‘yon, sabi ko, ‘Yes Direk.’ Take One nga! Hahaha!” sabi ni Kylie sa mediacon ng movie after ng press screening nito.
May kinalaman sa mental health ang movie. Sa Switzerland ito ginawa. Eh, nakaranas din pala si Kylie ng post-partum depression and anxiety.
“Nangyari ‘yon after kong manganak. So I understand so much ang pinagdaraanan nila.
“And sa natutunan ko, whenever you feel na you’re in a place na medyo dark, du’n ka mag-speak-up lalo.
“Humingi ka ng tulong sa experts. Kasi ‘yun ang chance to connect more. Kaya ko tinanggap ang movie. Sana maalala natin na hindi tayo nag-iisa sa buhay,” pahayag ni Kylie.
Maganda ang Switzerland. Maganda ang movie kahit malungkot ito. Magaling sina Kylie at Gerald na puwedeng maging junior Vilma Santos at Christopher de Leon.