Kathniel

KathNiel nagbabalik sa big screen

March 31, 2023 Aster Amoyo 533 views

2016 pa ang huling pelikulang dinirek ng mahusay na writer-drector at dating head ng Creative Department ng ABS-CBN and former managing director ng Star Cinema (ABS-CBN Film Productions) na si Olivia `Olive’ Lamasan, ang “Barcelona: A Love Untold” na pinagbidahan ng magka-loveteam at magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Sa taong ito, muling magkakatrabaho sina Direk Olive at Kathryn minus Daniel sa period drama movie na “Elena 1944” under Blacksheep Productions where Kathryn plays the role of a comfort woman during the Japanese time. This is an acting piece for DJ’s longtime girlfriend at kung saan niya maipapakita ang kanyang husay bilang isang magaling na actress.

It was in 2019 (before the pandemic) nang gumawa ng movie si Kathryn without her boyfriend na si Daniel Padilla, ito ang record-breaking movie na “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nina Kathryn at Kapuso actor na si Alden Richards at pinamahalaan ng box office director Cathy Garcia-Molina. The movie was originally intended for LizQuen na sina Liza Soberano at Enrique Gil but for some reasons ay hindi ito natuloy at sa halip ay napunta ang proyekto sa hindi inaasahang tambalan nina Kathryn at Alden na nasa magkabilang bakod.

“Hello, Love, Goodbye” remains to be the highest grossing local film of all time with P900M plus total gross.

Ang tambalang KathNiel nina Kathryn at Daniel ay muling magtatambal sa pelikulang “After Forever” na muling pamamahalaan ni Direk Cathy, ang director ng dalawa sa kanilang mega hit movie na “The Hows of Us” in 2018.

Bukod sa “After Forever” ay may dalawa pa siyang solo projects (meaning without Daniel) na gagawin. Ito ay ang pelkulang “A Very Good Girl” na pagsasamahan nila ng Golden Globe nominee na si Dolly de Leon na pamamahalaan ni Petersen Vargas under Star Cinema at ang period action-drama movie na “Elena 1944” na nakatakdang idirek ni Olive Lamasan under Blacksheep Productions..

Ayon kay Direk Olive, ang paggawa ni Kathryn ng solo projects minus her perennial screen partner na si Daniel ay hindi nangangahulugan na mabubuwag na ang kanilang loveteam. Daniel who also did a project without his girlfriend sa “Kun Maupay Man ang Panahon” with Charo Santos-Concio. Ayon sa mahusay na actor-director, KathNiel needs to grow invidividually bilang actors para hindi rin sila pagsawaan bilang magka-loveteam at ito’y parehong nauunawaan ng magkasintahan maging ng kanilang mga fans na sumusuporta rin sa kanilang mga proyekto na hindi sila ang magkapareha.

Kung may dalawang solo projects ang young superstar na si Kathryn, may solo project ding nakalaan for Daniel.

Ang KathNiel ay huling napanood sa hit primetime TV series na “2 Good 2 Be True” nung isang taon na dinirek ni Mae Cruz-Alviar.

Ang buhay at kamatayan ni Angela

IT was veteran actress Liz Alindogan who informed us of Angela Perez’ passing on Thursday morning. The `80s sexy actress died in the evening of March 29 (Wednesday) dahil sa fatal stroke at hindi na ito umabot ng pagamutan na buhay.

Ayon sa kuwento ni Liz, dalawang beses umano bumagsak ang kanyang kaibigang si Angela pero nakatayo pa umano itong pasuray-suray patungo ng veranda ng tinututuluyang condo at doon tuluyang bumagsak at instantly binawian ng buhay. She was 55.

Rowena Mora in real life, si Angela ay na-discover sa Olongapo ng dating talent manager-turned events specialist na si Ricci Ang when she was 14 years old and eventually was managed by the late Rading Carlos. She has a young sister na si Catherine `Cathy Mora’ na nag-artista rin noon at ngayon ay naka-base na sa Amerika.

Ang iba pang mga kapatid ni Angela ay sina Ricky, Bong, Cris, Rose at Edward. Pito silang magkakapatid pero sina Angela at Cathy lamang ang pumasok sa showbiz. Ang kanyang eldest son na si Aaron ay anak niya sa sa isang TV director (na namayapa na rin). She was formerly married to businessman Ronald Lim with whom she has two daughters na sina Issa at Pia Lim.

Angela made movies in the 1980’s tulad ng “Laruan,” “Hayop sa Sarap,” “Take Home Girls,” “Alexandra,” “Nang Maghalo ang Balat sa Tinalupan” at iba pa.

She led a comfortable life when she married businessman Ronald Lim pero ito’y nauwi sa hiwalayan. Before her death ay nakaranas din umano si Angela ng depression kaya madalas itong tawagan at kausapin ni Liz Alindogan who prodded her to attend her 60th birthday celebration at the Sofitel Hotel last February 7. It was the last social event na dinaluhan ni Angela before she passed on nung gabi ng March 29.

Ang mga labi ni Angela ay kasalukuyang nakaburol sa Manila Memorial Park chapel in Paranaque City. Wala pang burial details dahil hihintayin pa umano ang pagdating ng iba niyang mga kapatid galing sa ibang bansa.

Xian muling lumagda sa Viva

XianMULING lumagda ng panibagong 5-year talent management contract ang singer, actor, writer at director na si Xian Lim sa bakuran ng Viva Artists Agency recently.

Masayang-masaya ang nobyo ni Kim Chiu sa kanyang pagiging Viva contract artist dahil dito umano niya natupad ang ang iba niyang mga pangarap hindi lamang bilang actor kundi bilang writer at director na rin.

Mabilis na dumaan ang unang limang taon ni Xian sa bakuran ng Viva dahil sa kanyang pagiging busy bilang actor at director.

Bukod kay Boss Vic del Rosario, and Chairman-CEO ng Viva Group of Companies, in-assure din ng mga anak nitong sina Vincent, Veronique at Valerie del Rosario na hindi mawawalan ng mga proyekto ang singer, actor at director sa Viva at malamang daw na magkaroon ng reunion project sina Xian at kasintahan nitong si Kim Chiu bilang follow-up sa kanilang ginawang movie nung isang taon, ang “Always” which was produced ng Viva.

Isa sa bucket list ni Xian ay ang maidirek ang kanyang GF na si Kim at makatrabaho ang iba pang stars ng Viva tulad nina Anne Curtiz at Nadine Lustre and maybre another movie with Sarah Geronimo na nakatrabaho niya sa “Miss Granny” at Cristine Reyes na nakatambal naman niya sa pelikulang “Untrue”.

Bukod sa movies, busy rin ngayon si Xian sa kanyang bagong TV series sa GMA, ang “Hearts On Ice” with Ashley Ortega at matutuloy umano ang naudlot nilang TV series ni Jennylyn Mercado sa Kapuso network, ang “Love, Die, Repeat” na pansamantalang nahinto dahil sa pagbubuntis at panganganak ng singer-actress sa first baby nila ng husband niyang si Dennis Trillo.

“I’m so thankful to Viva dahil sa mga proyektong ipinagkakatiwala nila sa akin,” pahayag ng singer, actor at director.

PPop Girls inilunsad

KAMAKAILAN lamang ay ni-launched ng Viva Records ang newly-revamped all-girl group na PPop Gen na binubuo dati ng 45 members and trimmed down to seven na binubuo ngayon nina Gabh de Leon (leader and main vocalist), Sofia Loreen (center/main dancer), Sarah Joffet(face of the group/sub-rapper), Princess Magnaye (visuals), Madz Red (lead vocalist/main rapper), Charlene Lopez (sub-vocalist) at Angela Muhi (visuals/lead rapper). Ang all girl-group na PPop Gen ay may bagong single na pinamagatang “Hanggang Tingin Ka Lang” composed by Kevin Yadao na naka-release or upload na sa lahat ng music streaming platforms.

“Ngayong pito na lamang kaming naiwan sa grupo, mas focused kami sa trabaho namin and we even became closer kasi pito na lamang kami. We also have to make adjustments,” pahayag ng leader ng grupo na si Gabh de Leon.

Ang isa sa mga members ng PPop Gen na si Madz Red ay pinsan ng mahusay na director na si Mikhail Red.

The group’s first single entitled “Boom Ganda” was released in 2019.

Ang isa sa sa mga miyembro ng PPop Gen na si Sofia Loreen (18), the youngest in the group ay beauty queen having won the titles of Miss Teen Planet in 2018, Miss Teen Hope International and hope to join the Miss Philippines Universe balang araw.

AUTHOR PROFILE