
John, may special participation sa pelikulang ipu-produce ni Ate Guy
NATAPOS na marahil ang nakaraang gusot sa mag- inang Nora Aunor at Matet de Leon tungkol sa bentahan ng gourmet tuyo.
Aba, sa pagbabalik ni Ate Guy bilang movie producer, kasama si Matet sa cast ng pelikulang Tomacruz… Sa Puso ng Isang Anak.
But this time ang name ng movie outfit ni Guy ay NA Film Production.
Sa movie na ito, kasama rin ang ibang anak ni Nora na sina Lotlot, Ian at Kenneth.
Pero may special participation din si Nora pati ang partner na si John Rendez.
Kasama rin sa cast sina Bembol Roco, Snooky Serna, Irma Adlawan at Winwyn Marquez. Mula ito sa direksiyon ni Eric Tilos Joven.
Naging film producer na noon si Nora at ilang movies na rin ang nagawa niya.
Maayos na rin ang health nya at bihira nang magkasakit.
May movie offers pa rin siya at gusto siyang bigyan ng award, huh!
AKTOR NA AC/DC, BUHAY-MAYAMAN ABROAD DAHIL SA GAY BENEFACTOR
Nakagawa pala ng movie ang isang hunk actor na ipalalabas na.
Eh, parang cameo role lang ang hunk aktor pero may name rin siya kaya atraksiyon din siya sa movie.
Hindi na kasi busy sa bansa ang aktor. Buhay mayaman na siya sa ibang bansa dahil sa mayaman na bading na benefactor niya ngayon.
Eh, AC/DC din ang aktor, ha?
Pwede sa babae at pwede sa lalaki!