Shira

SHIRA, HONORED GUMANAP NA SHARON CUNETA

March 27, 2023 Ian F. Fariñas 269 views

HONORED.

‘Yan ang feeling ng bagong teen star na si Shira Tweg sa pagkakataong gumanap sa papel ni Megastar Sharon Cuneta sa Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera), ang 2023 Summer Metro Manila Film Festival entry ng Saranggola Media.

Bale ikalawang proyekto pa lang ito ni Shira na alaga ng Dragon Talent Management na pag-aari ng celebrity hair/make-up artist na si Bambbi Fuentes.

Ipinakilala siya sa critically-acclaimed advocacy movie na Sugat sa Dugo kung saan nakasama niya sina Janice de Belen, Sharmaine Arnaiz, Christa Jocson at Khai Flores.

Bilang batang Sharon Cuneta, si Shira ang napili ni Direk Joven Tan na kumanta ng classic hit ni Rey Valera na Mr. DJ sa filmbio ng legendary singer-songwriter.

“I am honored to be labeled as young Sharon Cuneta po,” panimula ni Shira sa katatapos na mediacon/press screening ng Kahit Maputi…, “and it feels really, really… I feel really special po kasi ako po ‘yung pinili po ni Direk Joven. As the young Sharon Cuneta, it really feels great po because as a starter po, nakakuha po ako ng ganu’ng kalaking role.”

Kwento pa niya, matagal na silang magkakilala ng direktor.

“Sa Saranggola po, I have a song po sa kanya which is coming soon po, my own single. ‘Yung title po is Pag-ibig. So ‘di ko po alam kay Direk kung bakit naisip niya po si Shira ang kukunin ko bilang Sharon Cuneta which I really feel blessed and loved by him because ako po ‘yung pinili niya,” patuloy ng dalaga.

Bukod kay Shira, star-studded ang line-up ng cast ng Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (The Music of Rey Valera), sa pangunguna ng bidang si RK Bagatsing (bilang Rey Valera).

Nariyan din sina Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh de Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Arlene Muhlach, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Dennis Padilla, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Lou Veloso at Gardo Versoza.

Ayon kay Rey, intelihente ang pagkakagawa ni Direk Joven sa pelikula na may segment tribute pa para sa yumaong “Total Performer” at OPM icon ding si Rico J. Puno.

Tampok sa pelikula ang inspirasyon sa likod ng mga klasikong likha ni Rey tulad ng Kahit Maputi na ang Buhok Ko, Malayo Pa Ang Umaga, Mr. DJ, Pangako sa ’Yo, Kung Tayo’y Magkakalayo, Maging Sino Ka Man, Kung Kailangan Mo Ako, Tayong Dalawa, Ako si Superman at marami pang iba.

Magsisimula itong mapanood sa mga sinehan sa April 8.

AUTHOR PROFILE