Shchimmer

Andrew: Napakasakit ’yung may pinagsisisihan ka sa buhay

December 27, 2022 Vinia Vivar 268 views

Kahit nagdadalamhati sa pagyao ng partner na si Jho Ravero ay nagawa pa rin namang bumati ni Andrew Schimmer ng “Merry Christmas” sa kanyang Facebook followers kahit na aniya ay hindi naman “merry” talaga ang Pasko ngayon para sa kanya.

Sa isang maramdamin at mahabang post ni Andrew noong Christmas Day ay ramdam na ramdam pa rin namin ang labis na kalungkutan ng aktor.

“Merry Christmas… though it’s not a very merry season for us. That’s not a good reason to let this season pass without greeting all of you beautiful souls a happy, and full of love Christmas season,” simula ni Andrew.

Patuloy ng aktor, “Few days ago, my HEART left my body when the love of my life left her body.”

Nagbigay siya ng payo sa netizens na habang may panahon pa ay iparamdam at ipakita ang pagmamahal sa mga taong minamahal nila.

“ADVISE: don’t waste a single day without you telling your love ones how much you love them, for we do not know what can happen to us when our time comes. Don’t waste your time on arguments or silly small talks, if your in love with someone, make sure that person knows how much you love them, make them feel every single bit of your heart. Don’t hesitate to hug somebody, for we do not know when we can hug that person again,” payo ni Andrew.
Aniya pa, napakasakit ‘yung may pinagsisisihan ka sa buhay.

“So please don’t let EGO dictate the will of your HEART. Love without hesitation and without reason… be silly, be in love, be inspired of this love… do everything and anything that will make you and your love ones happy,” advice pa niya.

Nakaka-touch din ang sinabi niya na igi-give-up niya ang lahat makita at makausap lang ang yumaong fiancee for one last time.

“I would give up anything in this world, anything… MAKITA, MAYAKAP AT MAKAUSAP KO LANG PO ANG AKING ASAWA ONE LAST TIME,” saad niya.

“Kung ang mahal mo sa buhay ay katabi mo pa ngayon kapatid, yakapin mo sila ng mahigpit, Hindi mo kaylangan ng dahilan para gawin ito, sapat ng dahilan ang mahal mo sha. iparamdam mo tol sa kanya na sha ang buhay at mundo mo, na sha ang Reyna ng kaharian ng puso mo, na para sayo sha ang pinaka magaling, pinaka maganda at pinaka importante sa lahat.?? gawin mo na ang lahat para sa kanya HANGGAT KAYA AT PWEDE NYA iTONG MARAMDAMAN. Give everything and anything for love, and you will never regret it,” pagtatapos ng aktor.

AUTHOR PROFILE