Deleter

Nadine at Direk Mikhail, nasorpresa sa balitang nangunguna ang ‘Deleter’

December 27, 2022 Ian F. Fariñas 398 views

WALA pang final word kung nagbago na nga ang unang inilabas na ranking ng entries sa Day 3 ng 2022 Metro Manila Film Festival kahit pa matunog ang balita na naungusan na ng Viva Films entry na Deleter ni Nadine Lustre ang entry nina Vice Ganda at Ivana Alawi sa pagiging numero uno.

Sa isang tweet kahapon, sinabi ni Nadine na, “It’s DAY THREE. Thank you sa mga pumila at nanood ng #Deleter. How true that in many cinemas ay #1 na si Deleter? If true, maraming salamat po at patuloy nating panoorin ang lahat ng entries. Mabuhay po ang pelikulang Pilipino!”

Sa naunang ranking na inilabas ng MMFF, ang entries na nasa top four ay ang kina Vice at Ivana, Nadine, Coco Martin at Jodi Santamaria na sinundan ng entry ng loveteam nina Noel Trinidad at Liza Lorena, ang Family Matters.
Maging ang Deleter director na si Mikhail Red, nasorpresa sa pinakahuling development sa takilya.

Aniya, “Just got off an important call. Something is happening. Is it true that Deleter is now number 1 top seller in more major cinemas around the country? We sold out noontime slots, some screenings people are sitting on stairs?
“We hoped DELETER would do well but this is a big surprise for all of us! Thank you all for your support! Forever grateful. Still processing this.”

Nauna rito ay nakiusap ang award-winning director na huwag sanang mag-spoiler ang mga nakapanood na.
Mula opening day noong Pasko, December 25, consistent sa pag-trending ang pelikula sa ganda’t mahusay na pagkakagawa bilang bukod-tanging horror movie sa taunang pestibal.

Anang isang netizen, “guys, #Deleter is a must-watch!!! It’s my first time to watch nadine on big screen omg i can still remember the screams yesterday in the cinema hahaha and pres nadine’s acting never disappoints sh*t ang natural niya huhu and sobrang gandaaa!! congraaats mom @hello_nadine.”

May katwirang ma-flatter nang husto si Direk Mikhail sa bumubuhos na papuri sa Deleter hindi lamang mula sa netizens kundi maging sa mga kilalang kritiko.

Sabi ng direktor, “Wow. Our R-rated horror film did so well even on a Christmas opening. Happy to see that the local genre audience is growing. Thank you, everyone.”

Maging ang ilang artista na dumalo sa red carpet premiere ng movie, all praises sa obra ni Direk Mikhail at big screen comeback na ito ni Nadine.

Magkasamang nanood sina Quinn Carillo at Rob Guinto sa SM Megamall.

Si Quinn, kasama sa entry ng 3:16 Media Network at Mentorque Productions na My Father, Myself.
Pero pati siya, rekomendado ang Deleter ni Nadine sa moviegoers.

Aniya, “Maganda, maganda siya! Sigaw nang sigaw, sigaw siya nang sigaw!” sabay turo kay Rob.
“Pinakanakakatakot na movie ng taon!” paggarantisa naman ni Rob.

“Ibang klaseng horror movie siya sa mga napapanood natin. It’s really an elevated horror kaya dapat talagang panoorin,” dagdag pa ni Quinn.

“Actually, hindi talaga kami tumitigil ni Marco na talagang tumili, hahaha! Kami ang sa side na napakaingay talaga, hahaha!”

Anyway, pati acting ni Nadine ay puring-puri rin ng moviegoers at marami sa kanila ang nag-predict na malakas ang laban niya sa pagka-best actress.

Sa mediacon ng Deleter, sinabi ng aktres na ayaw niyang umasa na mag-uuwi siya ng trophy.

Reward na umano sa kanya ang magagandang reviews na inaani ng kanyang pelikula.

Samantala, kagabi idinaos ang Gabi ng Parangal. Sa lahat ng nagwagi, congratulations!

AUTHOR PROFILE