Atty. Danjun-Lucas CAAP Deputy Director General for Administration, Atty. Danjun Lucas Photo courtesy of CAAP

Travel 44 commercial operating airport ng CAAP handa sa pagdagsa ng pasahero

December 21, 2022 Jun I. Legaspi 395 views

ANG 44 na commercial operating airport ng Civil Aviation Authority of Philippines o CAAP ay handang handa na sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na gagamit ng nasabing mga paliparan ngayong holiday seasons lalo na sa December 25, 2022.

Sa pinalabas na paalala ng tangapan ni Atty.Danjun Lucas,deputy director general for administration ng (CAAP), hinikayat ang mga official at kawani na panatilihing maayos ang mga pasilidad ng mga paliparan tulad ng malinis na palikuran, dagdag na upuan,baggage carts,operational escalators at elevators at malasakit help desk upang magabayan ang mga pangangailangan ng mga pasaherong gagamit ng mga paliparan.

Mahigpit na ipinagutos ng agency ang pagbibigay ng pansin sa mga pasaherong senior citizens (SC), pregnant women at mga person with disability (PWD).

Ayon sa datos ng taong 2019, ang CAAP airports ay nagsilbi sa 29,258,258 milliong pasahero mula January to December 2019, at 2,537,774 million pasahero ang bumiyahe sa buwan ng Deciembre.

Sa taong ito (2022) humigit kumulang 18 milyon ang gumamit ng paliparan mula January hangang November at inaasahang mga 2.9 million biyahero ang mag lalakbay mgayon panahon ng kapaskuhan base na rin sa pag dagdag ng flights galing South Korea at Taiwan, at ang muling pagbubukas sa commercial operations ng Baguio-Loacan at Borongan airports.

AUTHOR PROFILE