Default Thumbnail

6 Chinese nationals, 3 Pinoy na katulong dinukot sa Ayala Alababg

October 31, 2023 Gil Aman 314 views

ANIM na Chinese national, kabilang ang tatlong katulong na Pilipino, ang dinukot ng mga armadong suspek sa Ayala Alabang Village noong Lunes.

Nakilala ng Calauan police, na unang tumulong sa mga biktimang inabandona sa Bgy. Limao, Caluan, Laguna, ang tatlong katulong na Pinoy na sina Henry Catapat, Marian Arambulo at Jhon Ray Catapat.

Ayon sa mga biktima, isinakay sila sa van dakong alas 4:45 ng hapon noong Lunes. Ibinaba umano sila ng mga kidnapper sa Bgy. Limao, Calauan, Laguna at doon sila humingi ng tulong sa pulisya.

Tinutukan umano sila ng baril nang umalis sa Ayala Alabang at nilagyan ng piring ang mga mata at iginapos ang mga kamay.

Sinabihan pa umano sila ng mga suspek na huwag ipagbibigay alam sa may kapangyarihan ang pangyayari.

Nang makababa sila sa nasabing lugar, tumuloy ang mga kidnapper sa Bay, Laguna.

AUTHOR PROFILE